Ipanalangin ang kapakanan at pagbabago ng mga bilanggo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 935 total reads

Ang nakatakdang paggunita ng Prison Awareness Week ay isang opurtunidad upang maipaalala ng Simbahan sa bawat isa na ipanalangin ang kapakanan, pagbabago at pagbabalik-loob ng mga bilanggo sa buong bansa.

Ito ang paalala ni San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari – Chairman of CBCP Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education kaugnay sa nakatakdang paggunita ng Prison Awareness Week sa ika-23 hanggang ika-29 ng Oktubre 2017.

Pagbabahagi ng Obispo, dapat na maintindihan ng bawat isa na sa kabila ng mga nagawang kasalanan ng mga bilanggo ay mas nararapat pa silang ipanalangin upang ipagkaloob ng Panginoon ang kapatawaran sa kanilang mga nagawang kasalanan at maging daan upang sila ay makapagbagong buhay.

“Pagdiriwang po natin yung Prison Awareness Week ito po ay napakahalaga para sa ganun ay maalala yung mga prisoners po natin, mga kapatid na madalas ay nakakaligtaan po natin yung Simbahan ay binibigyan tayo ng pagkakataon para mabisita at maalala sila sa ating mga pang-araw-araw na pagdadasal, yung isang mahalagang bagay po siguro na maintindihan natin na itong mga kapatid nating ito ay nangangailangan ng pagbabago at ipagdasal po natin sila at naniniwala po tayo na walang imposible sa Diyos…”pahayag ni Bishop Mallari sa panayam sa Radio Veritas.

Sa panlipunang katuruan ng Simbahan, ang bilanguan ay dapat na magsilbing pansamantalang tuluyan ng mga naligaw ng landas sa lipunan at nararapat na maging daan sa muling pagbabalik ng kabutihan sa puso at isip ng mga nagkasala.

Sa kabila nito batay sa tala kasalukuyan aabot na sa higit 100-libo ang bilang ng mga bilango sa higit 400 kulungan ng BJMP sa buong bansa na nakalaan lamang para sa 26-na-libong inmates.

Lumalabas na halos 80-porsyento ng mga bilanggo sa bansa ay labis sa kapasidad ng mga kulungan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 59,753 total reads

 59,753 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 138,812 total reads

 138,812 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 172,257 total reads

 172,257 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 207,555 total reads

 207,555 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 431,659 total reads

 431,659 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top