Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ipanalangin ang katatagan ng bansa sa krisis pang-ekonomiya

SHARE THE TRUTH

 423 total views

Sa harap ng krisis sa ekonomiya ng bansa, hinikayat ng isang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang mamamayan na patuloy na ipanalangin ang katatagan ng mga namumuno sa pamahalaan.

Ayon kay Sorsogon Bishop Arturo Bastes, Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Mission kailangan ng bansa ng tapat na mga opisyal na mamumuno sa Pamahalaan na may pagmamalasakit sa mamamayan lalo na sa mga mahihirap.

“We are praying for the people in the Government that we will have good Economic Managers,” pahayag ni Bishop Bastes sa Radio Veritas.

Ito ay kaugnay sa patuloy na paghihirap na nararanasan ng mga Filipino dahil sa mataas na presyo ng mga bilihin at serbisyo na pangunahing pangangailangan ng tao.

Una na ring inihayag ng ilang mga mambabatas at pinuno ng iba’t ibang sektro, malaki ang epekto ng pagpapatupad ng reporma sa pagbubuwis ng pamahalaan o ang Tax Reform for Accelaration and Inclusion (TRAIN) Law sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin dahil sa ipinapataw na buwis sa mga produktong langis.

Iginiit ni Bishop Bastes na bagamat walang kapangyarihan ang Simbahan para baguhin ang mga polisiyang ipinatutupad ng Estado, umaasa itong gagawa ng hakbang ang pamahalaan upang maibsan ang paghihirap ng mamamayan lalo na ang mga mahihirap.

“I hope that at least they will not tax the fuel, not tax so many things because the people are already suffering,” ani ng Obispo.

Sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong Setyembre umabot sa 6.7-porsiyento ang itinaas sa presyo ng mga bilihin partikular sa produktong pagkain na sa pagsusuri ng Social Weather Station (SWS) halos 12 milyong pamilya sa bansa ang nagsabing sila ay naghihirap o katumbas sa halos 60 milyong Filipino.

Paliwanag ng Obispo nakadepende lamang ang Simbahan sa mga taong bumubuo dito na tumutulong upang maitaguyod ang mga proyekto para mapaunlad ito.

“If the people are suffering, the Church is also suffering.” dagdag ni Bishop Bastes.

Sa panig ng Simbahan, gumagawa rin ito ng mga hakbang na makatutulong maiangat ang mamamayan sa karukahaan tulad ng pagbibigay ng libreng pagsasanay pangkabuhayan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 14,436 total views

 14,436 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 22,536 total views

 22,536 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 40,503 total views

 40,503 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 69,753 total views

 69,753 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 90,330 total views

 90,330 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Economics
Norman Dequia

EU bonds, isinusulong ng European Union

 17,556 total views

 17,556 total views Isinulong ng European Union sa Pilipinas ang EU bonds bilang maasahan at ligtas na investment gayundin ang pagtiyak na matatag na global currency

Read More »
Economics
Norman Dequia

Virtual PAG-IBIG Mobile App, inilunsad

 20,894 total views

 20,894 total views Inilunsad ng Pag-IBIG Fund ang Virtual Pag-IBIG Mobile App na layong pabilisin ang serbisyo sa mga kasapi ng institusyon. Ginawa ito sa ika

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top