Ipanalo sa Kristo sa 2025 midterm elections, hamon ng CMSP sa mga botante

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,303 total reads

Sa nalalapit na pambansa at lokal na halalan ngayong Lunes, nanawagan si Fr. Angel Cortez, OFM, Co-executive Secretary ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP), sa mga mananampalataya na suriing mabuti ang kanilang mga iboboto at piliin ang mga kandidatong tunay na nagsusulong ng kabutihan, katotohanan, at katarungan.

Sa kanyang homiliya, binigyang-diin ni Fr. Cortez ang paulit-ulit na siklo ng pagboto sa mga tiwaling pulitiko. “Lagi nating sinasabi na gutom tayo sa gobyernong tapat, sa isang gobyernong makatotohanan, pero ang binoboto naman natin yung mga corrupt, ang binoboto natin sila-sila pa rin,” aniya.

Ipinunto rin niya ang kawalang-pagbabago sa politika ng bansa dahil sa paulit-ulit na pagluklok sa mga pamilyang kabilang sa dinastiyang politikal. “Sinabi natin uhaw tayo sa isang pamahalaang mabuti. Pero binoboto natin pamilyang dinastiya pa rin. Sila-sila pa rin ang apelyido, hindi na nagbabago mula sa lolo hanggang sa kaapo-apuhan.”

Nanawagan si Fr. Cortez sa mga botante na alalahanin ang kanilang pananampalataya at isabuhay ito sa pagboto. “Tanungin natin ang ating sarili: kung tayo ay gutom sa hustisya, kung tayo ay uhaw sa pamamalakad ng tapat at mabuti, boboto pa ba ako ng corrupt? Boboto pa ba ako ng makasarili? Boboto pa ba ako ng sinungaling?”

Hinimok rin niya ang mga mananampalataya na huwag lamang iboto ang mga kilalang pangalan, kundi bigyan din ng pagkakataon ang mga kandidatong maaaring hindi sikat ngunit may tunay na malasakit sa bayan. “Sapagkat kung nais nating pakainin lahat, isipin din natin na marami ring pwedeng mamuno, kaya lang hindi sila kilala.”

Tinuligsa rin ng pari ang ilang kasapi ng Simbahan na nagdarasal para sa malinis na halalan ngunit lantaran namang sumusuporta sa mga tiwaling politiko. “Tayo po sa simbahan minsan hilaw yung ating pananaw… sumusuporta sa mga pamilyang corrupt… kaya ugatin natin kung ano ba ang tunay nating kagutuman at kauhawaan.”

Sa huling bahagi ng homiliya, nanalangin si Fr. Cortez para sa paggabay ng Espiritu Santo sa mga botante. “Ipanalangin natin sa Panginoon: tulungan nyo po kaming mapawi ng inyong katawan at dugo ang sistema ng gobyerno na mayroon ngayon. Ipadala nyo po ang Espiritu Santo na bumoto ng tama, tapat, at matalino ang bawat Filipino.”

Binigyang-diin niyang ang pagboto ay isang sagradong gawain na may pangmatagalang epekto. “Ang gagawin natin sa Lunes ay Sagrado. Pero ang epekto, tatlo, anim na taon at pangmatagalan pa para sa kinabukasan ng ating bayan.”

Muling paalala ni Fr. Cortez, “Hindi ang ayuda, hindi ang panunuhol, at hindi ang pagbili ng boto ang dapat tanggapin. Ipanalo natin si Kristo, ipanalo natin ang hustisya at katotohanan. Bumoto tayo ng tapat at may pananampalataya.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 46,695 total reads

 46,695 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 68,896 total reads

 68,896 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 105,392 total reads

 105,392 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 326,019 total reads

 326,019 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 357,984 total reads

 357,984 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top