1,758 total views
Itinalaga ng Santo Papa Francisco si Filipino priest Msgr. Anthony Celino bilang katuwang na obispo ng Diocese of El Paso sa Estados Unidos.
Ayon kay El Paso Bishop Mark Seitz malaki ang maitutulong ni bishop elect Celino lalo’t ipinamalas nito sa diyosesis ang pagiging Pilipino na higit lumilingap sa kawang ipinagkatiwala sa kanyang pangangalaga.
Ang bagong talagang obispo ay kasalukuyang kurea paroko ng St. Raphael Parish sa El Paso Texas.
Si bishop elect Celino na tubong Ilocos ay nagtapos ng Philosophy sa Mary Help of Christians Seminary sa Dagupan City noong 1993 at ipinagpatuloy ang theology sa University of Saint Mary of the Lake sa illinois.
Inordinahang pari noong June 9, 1997 at ilan sa mga naging assignment nito ay parochial vicar ng El Paso Cathedral, Our Lady of Peace sa Alpine Texas, kura paroko ng Santa Lucia Parish na ngayon ay St. John Paul II Parish.
2003 nang magtapos ng licentiate ng canon law sa Catholic University of America habang ilan sa mga tungkulin nito sa diyosesis ang pagiging judicial vicar, moderator curia at chancellor.
Itinakda sa March 31 ang episcopal ordination ni Bishop elect Celino sa St. Patrick Cathedral.
Ito na ang ikatlong Pilipinong obispo sa Amerika bukod kina Diocese of Salt Lake Bishop Oscar Solis at Los Angeles Auxiliary Bishop Alejandro Aclan.






