Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 535 total views

Masarap mangarap, kapanalig, na malapit na ang araw kung kailan ang ating mga syudad ay tunay ng magiging liveable – luntian, presko, maaliwalas, at accessible ang mga batayang serbisyo. Sana maging realidad na natin ito sa lalong madaling panahon, lalo pa’t parami na ng parami ang ating populasyon, at pabilis na ng pabilis ang urbanisasyon sa ating bayan.

Sa ngayon, higit pa sa kalahati ng kabuuang populasyon ng bayan ang mga nakatira sa mga urban barangays ng ating bayan. Base sa opisyal na datos, 58.93 million o 54% na ito ng ating kabuuang bilang.

Ang laking hamon sa ating bansa ang mabilis na urbanisasyon. Nababatak masyado, kapanalig ang mga resources ng bayan, at hirap makasabay ang mga lokal at nasyonal na pamahalaan sa paiba-iba at padami ng padaming pangangailangan ng mga mamamayan. Sa Metro Manila, kitang kita natin kung gaano kahirap matugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan. Isang halimbawa ay ang public transportation. Sa dami ng ating mga commuters, kulang na kulang pa rin ang mga public transport natin kahit pa tuloy tuloy ang pagdagdag ng mga kalsada ng ating mega-city. Araw-araw, ang haba-haba ng mga pila sa mga terminal, kahit madaling araw pa lang. Ganito rin ang sitwasyon kada gabi.

Ang mabilis na urbanisasyon din sa ating bansa ay nagdulot ng kawalan ng maraming mga taniman at green spaces sa ating bayan. Na-convert na bilang mga residential areas at business centers ang dating mga sakahan, kabundukan, pati na daluyang tubig. At kahit marami na ang mga subdibisyon at condominium, marami pa rin naman ang informal settlers sa ating bansa. Ang mabilis na urbanisasyon kasi ay nagtutulak na rin sa pagtaas ng presyo ng bahay at lupa sa merkado, kaya’t hanggang slums na lamang ang kaya ng mga mamamayang arawan at mababa lamang ang sweldo.

Ang mabilis na urbanisasyon din, kapanalig, ay malaki ang epekto sa kalagayan ng ating kalikasan. Nauubos ang ating mga puno dahil dito. Dumadami din ang mga polusyon at basura na siya namang  dumudumi sa ating hangin at kapaligiran.

Kapanalig, ang urbanisasyon ay senyales sana ng ating paglago – pero ang paglago na ito ay hindi sustainable, lalo na sa ating bayan. Sa halip na maging luntian at buhay na buhay ang ating mga syudad, mabilis na itong nagdede-deteriorate o nabubulok.

Kailangan nating mapigilan ang pagkabulok ng ating mga lungsod, kapanalig. Hindi dapat maging katumbas ng deterioration ang kaunlaran. Sabi nga ni Pope Francis sa Laudato Si: Maraming mga lungsod ay napakalaki, hindi mahusay ang mga istraktura, at labis na aksayado sa enerhiya at tubig. Ang mga pamayanan ay masikip, magulo at kulang sa sapat na berdeng espasyo.  Hindi tayo inilaan para sa ganitong mundo. Paalala ni Pope Francis: We were not meant to be inundated by cement, asphalt, glass and metal, and deprived of physical contact with nature.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMBER’S GAME

 51,413 total views

 51,413 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 57,542 total views

 57,542 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 87,684 total views

 87,684 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 106,899 total views

 106,899 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 125,051 total views

 125,051 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

NUMBER’S GAME

 51,414 total views

 51,414 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 57,543 total views

 57,543 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 87,685 total views

 87,685 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 106,900 total views

 106,900 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »
Scroll to Top