Mananampalataya, hinimok ng CBCP na kalingain ang mga maysakit

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,303 total reads

Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care (CBCP-ECHC) ang mananampalataya na higit na ipakita ang pagdamay at pagmamalasakit sa mga may karamdaman.

Ito ang mensahe ni Military Bishop Oscar Jaime Florencio sa paggunita sa 31st World Day of the Sick na may temang “Take Care of Him: Compassion as a synodal exercise of healing”, mula sa mensahe ng Kanyang Kabanalan Francisco.

Ayon kay Bishop Florencio, tungkulin ng bawat isa na pangalagaan ang kapwa lalo’t higit ang mga may sakit upang madama na mayroon itong karamay at agad na makamtan ang kagalingan.

“We are are to take care of our brothers especially those who are sick. Be united with them in their pains and sufferings because we are our brothers’ keeper,” bahagi ng pahayag ni Bishop Florencio sa panayam ng Radio Veritas.

Paliwanag ng Obispo na panawagan ng Santo Papa Francisco sa tema ng pandaigdigang araw ng mga may sakit na ang pagiging isang pamilyang naglalakbay bilang simbahan ay tunay na nakahandang dumamay at kumalinga sa mga nakakaranas ng pagsubok sa buhay.

“The message even went as far as the sort of the Good Samaritan. We are indeed one family journeying together. Our compassion and being with the sick is already more than enough for them,” ayon kay Bishop Florencio.

Kaugnay nito, magsasagawa ng bloodletting activity ang CBCP-ECHC sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral sa Antipolo City, Rizal sa February 11, 2023 mula alas-otso ng umaga hanggang alas-tres ng hapon.

Susundan naman ito ng Banal na Misa at Anointing of the Sick sa ganap na alas-3:30 ng hapon na pangungunahan ni Antipolo Bishop Francisco de Leon.

Ang paggunita sa World Day of the Sick ay inilunsad ni Saint Pope John Paul II noong 1992 bilang pagpapakita ng suporta at pag-aalay ng panalangin sa mga may karamdaman at sa masigasig nitong mga tagapag-alaga.

Ang obserbasyon ay ginaganap taun-taon tuwing Pebrero 11, kasabay ng Paggunita sa Mahal na Birhen ng Lourdes.

Mga Pari, mensahero ni kristo

 130 total reads

 130 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 24,124 total reads

 24,124 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 8,978 total reads

 8,978 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 49,538 total reads

 49,538 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 77,032 total reads

 77,032 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 125,297 total reads

 125,297 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 147,032 total reads

 147,032 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 128,297 total reads

 128,297 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top