Mamamayan, inaanyayahan ng SLP sa Walk for Life 2023

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,582 total reads

Umaasa ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas na magbuklod ang mamamayan sa pagtatanggol sa dignidad ng buhay.

Ito ang paanyaya ni SLP President Raymond Daniel Cruz Jr. sa nalalapit na Walk for Life 2023 na gaganapin sa February 18.

Batid ni Cruz ang maraming hamong kinaharap ng mga tao sa buong mundo sa nagdaang mga taon lalo na ang karanasan ng COVID – 19 pandemic kung saan anim na milyong katao ang nasawi sa buong mundo kasama ang mahigit 60 libong Pilipino.

“Kaya’t sa panahong ito’y kailangang magsama-sama tayong muli,let us journey together, come nearer at this time as an advocate of life.” paanyaya ni Cruz.

Ayon kay Cruz, tema sa pagtitipon ngayong taon ang ‘SANAOL ‘ na hango sa synodality ng Santo Papa Francisco na sama-samang paglalakbay at kapitbisig sa pagtatanggol ng buhay.

Sinabi ng opisyal na dapat paigtingin ang pagpapahalaga sa buhay lalo’t nasaksihan ng karamihan ang kawalang katiyakan ng buhay noong lumaganap ang nakamamatay na COVID-19.

“Kaya inaanyayahan namin kayong patuloy itaguyod ang pakikibaka at pakikipaglaban para sa buhay.” ani Cruz.

Magsisimula ang paglalakad ng mga lalahok sa Walk for Life sa Welcome Rotonda sa Quezon City alas kuwatro ng madaling araw patungong University of Santo Tomas (UST) grandstand kung saan gaganapin ang mga programa at banal na misa.

Inaasahan ng pinakamalaking samahan ng mga layko ang dalawang libong kalahok mula sa mga diyosesis sa mega manila gayundin ang mga mag-aaral at katuwang na organisasyong nagtataguyod ng buhay.

Magbabahagi ng panayam si Commission on Human Rights Chairperson Atty. Richard Palpal-Latoc hinggil sa katayuan ng CHR sa Death Penalty habang si dating CHR Commissioner Atty. Karen Dumpit naman sa In Defense of the Right to Life.

Unang inilunsad ang Walk for Life noong 2017 bilang pagtaguyod sa dignidad ng buhay na kaloob ng Panginoon at labanan ang culture of death.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 13,182 total reads

 13,182 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 98,142 total reads

 98,141 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 192,473 total reads

 192,472 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 254,158 total reads

 254,158 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 299,434 total reads

 299,434 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top