Isabuhay ang katangian ni St. Titus Brandsma, panawagan ni Cardinal Advincula sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 907 total reads

Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na pagnilayan ang naging buhay ni Saint Titus Brandsma tungo sa pagiging banal at pagpapalaganap ng katotohanan.

Ito ang pagninilay ni Cardinal Advincula sa ginanap na thanksgiving mass para sa Canonization ni Saint Titus Brandsma sa Immaculate Conception Cathedral o Cubao Cathedral.

Ayon sa kardinal, si St. Titus ay buong puso at tapang na ipinaglaban ang kalayaan ng Catholic Press laban sa propaganda ng National Socialist Party o mga Nazi noong panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig dahilan upang paslangin noong July 26, 1942.

“St. Titus held that the media should be used only to promote the truth who is Jesus…The press is the power of the word against the violence of arms. It is the power of our fight for the truth,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Advincula.

Ayon kay Cardinal Advincula, ang buhay ni St. Titus ay malaki ang pagkakatulad sa kasalukuyang panahon lalo’t laganap na ang fake news hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.

Iginiit ng kardinal na si St. Titus ay hinihikayat ang bawat isa na gamitin ang social media sa pagpapahayag at pagtatanggol sa katotohanan.

“If there are forces that use social media to deceive and spread lies, let us combat them by flooding it with the truth of God’s word. Saint Titus teaches us that when the truth is at stake, remaining apathetic and silent is a sin,” ayon sa kardinal.

Samantala, kasama rin ni Cardinal Advincula sa banal na pagdiriwang si Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown at ang mga pari at relihiyoso mula sa iba’t ibang kongregasyon at diyosesis.

Dumalo rin sa thanksgiving mass ang mga kinatawan mula sa Embassy of the Kingdom of the Netherlands na sina Chargé d’affaires Monique van Daalen at councilor and deputy head of mission Pieter Terpstra.

Si St. Titus Brandsma na isang Carmelong pari ay kabilang sa sampung itinalagang santo ni Pope Francis sa St. Peter’s Square sa Vatican noong May 15, 2022.

Tinagurian naman si St. Titus bilang ‘Defender of Truth’ at ‘Martyr of Press Freedom’ at dito rin nakapangalan ang Carmelites Province of Saint Titus Brandsma of the Philippines.

Mga Pari, mensahero ni kristo

 6,719 total reads

 6,719 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 20,063 total reads

 20,063 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 60,624 total reads

 60,624 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 87,609 total reads

 87,609 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 135,874 total reads

 135,874 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 157,054 total reads

 157,054 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 128,761 total reads

 128,761 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top