Isang buwang prosisyon ng Our of the Holy Rosary, isasagawa sa Negros

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 548 total reads

Ibinahagi ng Obispo ng Diocese of San Carlos, Negros Occidental ang paraan ng paggunita ng diyosesis sa Holy Rosary Month o Buwan ng Rosaryo na ginugunita tuwing buwan ng Oktubre.

Ayon kay Diocese of San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, naging kaugalian na ng mga mananampalataya sa diyosesis ang pagsasagawa ng Aurora na nangangahulugan ng pagbubukang liwayway.

Sinabi ng Obispo na tuwing buwan ng Oktubre ay ipino-prosisyon ng mga mananampalataya ang imahen ng Our Lady of the Holy Rosary mula sa St. Charles Borromeo Cathedral Parish patungo sa iba’t ibang parokya.

Ibinahagi ng Obispo na layunin ng naturang gawain na mahimok ang mamamayan na mas maging aktibo sa Basic Ecclesial Community sa loob ng isang buong buwan o 30-araw.

“Sa San Carlos sa amin sa Cathedral Parish and it’s also being duplicated in many parishes it’s the whole month yung tinatawag nilang Aurora which is referring to the dawn kasi at 4’oclock they hold procession of the image of Our Lady of the Holy Rosary of Barangay is being transferred from one center chapel of the Basic Ecclesial Community to another for the whole 30 days…” pahayag ni Bishop Alminaza sa panayam sa Radyo Veritas.

Itinuturing ni Bishop Alminaza na isang magandang karanasan para sa mananampalataya mula sa iba’t-ibang antas ng pamumuhay sa diyosesis ang isang buwang maagang pagtitipon-tipon upang sama-samang ihatid at salubungin ang imahen ng Mahal na Birheng Maria patungo sa iba’t-ibang kumunidad pabalik ng Cathedral.

“For the whole for 30 days it’s like Our Blessed Mother visiting the different communities and it start at the Cathedral and goes back at the Cathedral in the end so maganda ito kasi akalain mo mga 3:30 people start assembling young and old, children, young from all walks of life…” Dagdag pahayag ni Bishop Alminaza.

Ang buwan ng Oktubre ay itinalaga bilang buwan ng Santo Rosaryo upang parangalan ang Birhen ng Santo Rosaryo na nagdiriwang ng kapistahan tuwing ika-7 ng Oktubre.

Ayon kay Pope Francis, magandang pagkakataon ang Buwan ng Santo Rosaryo upang mas mapalalim ang ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria.

Batay sa tala, may mahigit sa 900-libo ang bilang ng mga Katoliko sa Diocese of San Carlos na pinangangasiwaan ng may 80 na pari sa 33 mga parokya.

Ang buwan din ng Oktubre ay itinakdang “Mission month o Pista ng Misyon”.

Sa ika-18 ng Oktubre 2019, pangunguhan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang pagdiriwang sa Pista ng Misyon” sa Cuneta Astrodome Pasay City.

Read: Mananampalataya, hinimok ni Cardinal Tagle na sariwain ang pagiging misyonero ni Hesus

Bishop Presto, nakiisa sa mga binaha

 526 total reads

 526 total reads Nakikiisa si San Fernando-La Union Bishop Daniel Presto sa mga Pilipinong nakararanas ng matinding pagbaha at iba pang epekto ng masamang panahon, habang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 31,384 total reads

 31,384 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 116,319 total reads

 116,319 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 153,692 total reads

 153,692 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 184,951 total reads

 184,951 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 256,454 total reads

 256,454 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 33,775 total reads

 33,775 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top