Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Isantabi ang inggit at pagtutunggali, panawagan ni Cardinal Advincula sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

 4,366 total views

Pinasalamatan ni Caritas Manila Executive Director at Radio Veritas President Fr. Anton CT Pascual ang mananampalataya sa komunidad ng Chapel of Saint Padre Pio sa Shnagri-La Mall sa patuloy na suporta sa mga proyekto ng simbahan.

Ito ang mensahe ng pari sa pagdiriwang ng kapistahan ni Padre Pio sa misang ginanap nitong September 24 na pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

“Tayo’y nagpapasalamat sa pamayanan ng Church of Shang sa nagdaang misa nobenaryo para sa ating kapistahan lalo’t ang koleksyon sa mga misa rito ay idino-donate sa Caritas Manila YSLEP (Youth Servant Leadership and Education Program) Scholarship program kung saan nasa limang libong kabataan sa buong Pilipinas ang nabibiyayaang makapag-aral,” bahagi ng pahayag ni Fr. Pascual sa Radio Veritas.

Kinilala ng pari ang tulong ni Padre Pio sa pagkaloob ng biyaya ng pagpapagaling sa bawat mananampalatayang dumudulog sa dambana ng Shangri-La chapel na tumutugon din sa pangangailangan ng kapwa lalo na ang pagbibigay edukasyon sa mga kabataan.

Sa pagninilay ni Cardinal Advincula hamon nito sa mananampalataya ang pagpapanibago ng puso tungo sa landas ni Hesus sa pamamagitan ng pagsasabuhay sa kapatirang ninanais ng Panginoon na may pantay na pagtingin sa kapwa.

Binigyang diin ng cardinal na hindi dapat pinaiiral ang inggit at pagtutunggali sa halip ay ipamalas ang dakilang habag, awa at pag-ibig na nakaugat kay Kristo.

“Sa paghahari ng Diyos, kung saan lahat ay magkakapatid, masaya dapat ang lahat para sa nakakamit ng bawat isa,” ani Cardinal Advincula.

Panawagan ng arsobispo na suportahan ang kapwa sa pagkakamit ng tagumpay na ayon sa kalooban ng Panginoon tulad ng mga halimbawa ni Padre Pio.

“My dear brothers and sisters, like our dear San Padre Pio during his lifetime on earth, let us heed the invitation to seek the Lord to make a return to him and to dedicate our lives to his service,” giit ng cardinal.

Nagkaroon din ng pagkakataon ang mananampalatayang dumalo sa banal na misang matunghayan ang relic ni Padre Pio mula sa San Giovanni Rotundo sa Italya na dinala ni Franciscan Capuchin priest Fr. Robert Sandiego.

Si Padre Pio ay inordinahang Franciscan Capuchin noong 1910 kung saan inilaan ang kanyang buhay sa pananalangin at Banal na Eukaristiya hanggang magkaroon ng stigmata o mga sugat ni Hesus.

Pumanaw si Padre Pio noong September 23, 1968 naging beato noong May 2, 1999 at ganap na naging banal sa canonization rite na pinangunahan ni noo’y santo papa St.John Paul II.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 38,274 total views

 38,274 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 49,404 total views

 49,404 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 74,765 total views

 74,765 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 85,111 total views

 85,111 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 105,961 total views

 105,961 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 9,511 total views

 9,511 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top