VeritasPH

The Word, The Truth

Itaguyod ang tunay na katarungan

SHARE THE TRUTH

 211 total views

Mga Kapanalig, bilang paghahanda sa pagpasok ng bagong administrasyon, isa-isa nang pinapangalanan ni President-elect Ferdinand “Bong-bong” Marcos, Jr. ang mga miyembro ng kanyang gabinete. May ilang nagtaas ng kilay sa pagkakatalaga kay Cavite 7th District Representative Jesus Crispin “Boying” Remulla bilang kalihim ng Department of Justice (o DOJ). Maraming naalarma rito dahil sa mga kontrobersiyang kinasangkutan niya noon.

Kilala si Congressman Remulla sa red-tagging o pagdadawit sa mga indibidwal at grupo sa mga komunistang grupo kahit walang ebidensya. Noong panahon ng kampanya, inilarawan ni Congressman Remulla ang mga dumalo sa campaign rally sa Cavite ni Vice President Leni Robredo na mga “aktibista” at “mula sa mga kaliwang grupo.” Matatandaan din ang mga naging pahayag niya tungkol sa mga community pantries na tumulong sa maraming Pilipinong walang makain noong kasagsagan ng pandemya. Sa kabila ng pagpunô ng community pantries sa kakulangan ng ayuda ng pamahalaan, binansagan ni Congressman Remulla na “pasikat” ang mga community pantries na nagsulputan sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Mayroon din daw “political agenda” ang mga nasa likod ng mga ito. Pinalalâ ng mga pahayag ni Congressman Remulla ang pag-aakusa ng iba pang nagsabing mga miyembro ng New People’s Army ang nagpapatakbo ng mga community pantries.

Matatandaan din ang pagtanggi ng kongresistang pakinggan ang pahayag ng isang estudyanteng Lumad sa isang pagdinig sa Kongreso noong nakaraang taon. Iniimbestigahan noon ang sinasabing pagsagip ng mga awtoridad sa mga estudyanteng Lumad mula sa mga grupong tinuturuan daw ang mga batang magalit sa pamahalaan. Itinatanggi ng estudyante na kinakailangan silang sagipin, ngunit iginigiit ni Congressman Remulla na naging radikal na raw ang bata at hindi makabubuti sa interes ng pamahalaan na pakinggan ang kanyang “propaganda.” Nauwi sa sagutan ng mga kongresista ang tila pagpapatahimik ni Congressman Remulla sa batang Lumad.

Bilang paparating na kalihim ng DOJ, si Congressman Remulla ang magiging pangunahing responsable sa pagtataguyod ng katarungan sa ehekutibong sangay ng ating pamahalaan. Ilan sa mga inaasahang haharapin niya ay ang mga isyung kaugnay ng war on drugs at ang pagpapatupad ng Administrative Order 35 na naglalayong suriin ang mga kaso ng pagpatay sa mga aktibista. Ayon kay Congressman Remulla, handa siyang siyasatin ang mga ito. Nangako siyang kikilos sa ngalan ng “katarungan para sa lahat.”

Naniniwala ang mga panlipunang turo ng Simbahan na mahalaga ang katarungan sa pagtataguyod sa dignidad ng tao. Ang katarungan ay nakatungtong sa paniniwalang dapat ibigay sa mga tao ang mga bagay at ang pagkilalang nararapat sa kanila. Makakamit lamang ang katarungan kung tunay na naigagalang ang dignidad ng bawat isa at malayang nakakamit ng lahat ang kanilang mga karapatan. Ang pagkilala sa dignidad at karapatan ng tao ay ang unang hakbang tungo sa katarungan.

Kaya masasabi bang may katarungan kung hindi kinikilala ang kahalagahan ng pagkakaiba-iba ng mga pananaw at opinyon? Tunay ba ang katarungang naglalayong patahimikin ang mga boses na hindi natin katulad ang paniniwala? Huwad ang katarungang nananakot at nagpapatahimik. Dapat nating isulong ang katarungang kinikilala ang dignidad at karapatan ng bawat isa. Sa pamamagitan lamang nito tayo makatutugon sa panawagan sa Isaias 1:17 na pag-aralang gumawa ng makatuwiran, pairalin ang katarungan, tulungan ang naapi, ipagtanggol ang mga ulila, at tulungan ang mga biyuda.

Mga Kapanalig, hindi madali ang pagsusulong ng tunay na katarungan. Gayunpaman, nawa’y manatili tayong matapang at aktibo sa pakikilahok sa pamamahala upang makamit natin ito. Patuloy tayong maging mapagmatiyag sa bawat hakbang ng ating mga lider. Huwag mangiming magsalita sa kawalan ng katarungan sa ating paligid. Sa huli, bahagi ng ating tungkulin bilang Kristiyano ang itaguyod ang dignidad ng lahat sa pamamagitan ng pagkamit sa katarungan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 13,779 total views

 13,779 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 21,764 total views

 21,764 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 29,300 total views

 29,300 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 45,285 total views

 45,285 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 53,329 total views

 53,329 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 13,780 total views

 13,780 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 21,765 total views

 21,765 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 29,301 total views

 29,301 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 45,286 total views

 45,286 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 53,330 total views

 53,330 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 46,147 total views

 46,147 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 44,572 total views

 44,572 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 46,358 total views

 46,358 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 43,283 total views

 43,283 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 57,597 total views

 57,597 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 61,287 total views

 61,287 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 59,890 total views

 59,890 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 69,877 total views

 69,877 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 73,845 total views

 73,845 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 84,732 total views

 84,732 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top