Pagsabog ng IED sa Basilan, kinundena ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 865 total reads

Mariing kinundena ng Prelatura ng Isabela de Basilan ang karahasan sa Isabela City noong Mayo 30.

Sa pahayag ni Bishop Leo Dalmao, hindi makatarungan ang anumang uri ng karahasan sa lipunan sa halip ay nararapat na magtulungan ang mamamayan sa pagsusulong ng pagkakaisa at kapayapaan.

“I condemn the incident and asked each one to continue on supporting all effort to live in a peaceful environment and work together to sustain peace,” bahagi ng pahayag ni Bishop Dalmao.

Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad sa Basilan, isang Improvised Explosive Device(IED) ang sumabog sa Valderosa St. Isabela City Basilan na ikinasugat ng dalawang indibidwal.

Iginiit ni Bishop Dalmao na walang puwang sa lipunan ang kasamaan bagkus isulong ang pagkakapatiran para sa pag-unlad at pag-usbong ng ekonomiya at pamayanan.

Batid ng obispo ang pag-unlad ng Basilan sa lahat ng aspeto dahil sa pagtutulungan ng mamamayan na itaguyod ang kapayapaan sa lugar.

“The peaceful atmosphere has encouraged businesses to grow and people to live in harmony with each one regardless of faith and culture,” dagdag pa ng obispo.

Nabahala si Bishop Dalmao na maulit ang mga nakaraang negatibong karanasan ng Basilan dahilan upang bumagal ang paglago ng lalawigan.

Dahil dito hinikayat ng obispo ang bawat isa na maging tagapagtaguyod ng kapayapaan at magbuklod sa kapakinabangan ng buong pamayanan.

“We are instead challenged to take active role in the promotion of peace, development, and human fraternity,” giit ni Bishop Dalmao.

Apela ng obispo sa mga naghahasik ng karahasan na makiisa sa pamahalaan, simbahan at iba’t ibang grupong nagsusulong ng pagkakaisa at kapayapaan sa bawat komunidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 85,668 total reads

 85,668 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 119,628 total reads

 119,628 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 154,928 total reads

 154,928 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 381,198 total reads

 381,198 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 270,076 total reads

 270,076 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top