Itama ang mali sa halip na ikulong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 522 total reads

Hindi solusyon ang pagpapakulong sa mga batang nagkasala sa nagaganap na karahasan sa lipunan.

Ito ang inihayag ni Sr. Zeny Cabrera ng Restorative Justice Ministry ng Archdiocese of Manila.

Ayon kay Sr. Cabrera sa halip na ibaba ang edad ng criminal liability ay dapat pagtuunan ang mga paglabag at pang-aabuso ng mga nakatatanda sa mga bata.

“Ngayon nakakakilabot isipin na ang isang bata na kulang pa sa kamalayan ay ilalagay sa isang lugar na hindi siya dapat naroroon kundi dapat siya ay nasa close na pangangalaga ng mga magulang. So ang bagay na ito, sa palagay ko, ang pagpapasa o hindi pagpapasa ng Bill na ito ay aksaya unang-una. Kasi dina-divert nila ang atensyon ng tao. Pag-aaksaya sa paguusap,” ayon kay Sr. Cabrera.

Sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mula sa 800,000 naiulat na pusher at user ng ilegal na droga may 24,000 ang mga minor de edad kung saan 20 porsiyento sa mga ito ay pawang nasa edad 15 taon pababa at dalawang porsyento lamang ang mga batang ito o katumbas ng 400 bata ang nagbebenta ng droga.

Hinihikayat din ng madre ang mga mambabatas na suriin ang kanilang sarili kung papaya sila na makulong ang kanilang menor-de-edad na nagkasalang mga anak.

“Ang parusa ay hindi paraan, hindi tugon para itama ang isang bagay, lalo na when it concerns home life, family life. This is an issue that should be discussed among families. Itong mga legislators natin dapat magkaroon sila ng pusong maka-pamilya, kung mayroon tayong maka-panalig, dapat meron ding maka-pamilya,” dagdag pa ni Sr. Cabrera.

Sa panig ng simbahan, may programa ang Archdiocese ng Manila para sa mga kabataang nagkakasala sa batas o ang ‘Children in conflict with the law’ kabilang dito ang Youth Deception Centers, Bahay Pag-asa, Bahay Aruga at Yakap Bata sa pakikipagtulungan na rin ng ilang mga lokal na pamahalaan.

Sa mga tanggapang ito ay tinutulungan ang kabataan na maging kapaki-pakinabang sa lipunan, makapag-aral at ang pagbibigay ng katesismo bilang gabay sa kanilang espiritwal na pangangailangan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 214,752 total reads

 214,752 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 249,425 total reads

 249,425 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 265,325 total reads

 265,325 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 301,815 total reads

 301,815 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 307,662 total reads

 307,662 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top