Itigil na ang contractualization, panawagan ng Pari

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 891 total views

Regularization at pagwawaksi sa contractualization upang makatanggap ng pantay na benepisyo at kita ang bawat manggagawa.

Ito ang patuloy na pananalangin at apela ni Father Eric Adoviso – Manila Archdiocesan Ministry for Labor Concern (AMLC) Minister sa Pamahalaan at bawat employers sa Pilipinas.

Ayon sa Pari, patuloy din ang kaniyang pananalangin na makabalik na sa trabaho ang mga manggagawang naapektuhan ang kabuhayan ng kasalukuyang krisis ng pandemya.

Ito ay kasabay nang pagkilala sa pagkaluging nararanasin din ng mga namumuhunan.

“Unang-una ang aking panalangin ay sana yung mga manggagawa ay magkaroon ng trabaho na ulit makabalik na sila, oo kinikilala natin na lugi ang mga namumuhunan kinikilala natin lahat yan at ating tinatanggap yan,” ayon sa panayam ng Radio Veritas sa Pari.

Umaasa si Father Adoviso na hindi lamang ang pamamahagi ng financial assistance ang makitang tugon ng pamahalaan tuwing makakaranas ng lockdowns at krisis ang bawat negosyo at establisyemento.

“Pinagdadasal ko na sana magkaroon ng win-win solution sa pagitan ng manggagawa at ng namumuhunan ganun din bigyan din ng gobyerno ng sapat na kapital yung maliliit nating negosyante at ganun yung manggagawa naman hindi naman yan puro ayuda lang,” ayon sa Pari.

Pagbabahagi ni Father Adoviso, bukod sa ayuda na panandaliang solusyon lamang ay maari ding ilunsad ng pamahalaan ang mga training programs at pamamahagi ng puhunan sa maliliit na negosyo na isang pang-matagalan na hakbang at tulong sa sektor.

“Hindi naman ang gawin lang ng gobyerno ay ayuda kung hindi gumawa ng paraan paano matutulungan yung ating mga manggagawa na makahanap ng trabaho, bigyan ng puhunan, magkaroon ng training kasi yung limang kilong bigas hindi naman sasapat yun, mauubos din yun kaya ang pinakamahalaga magkaroon ng training, puhunan kung kinakailangan alam ko marami ng utang ang ating pamahalaan pero mas maganda na tayo ay maging proactive,” ani Father Adoviso.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gaslighting

 8,928 total views

 8,928 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 76,657 total views

 76,657 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 99,809 total views

 99,809 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 169,924 total views

 169,924 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 244,011 total views

 244,011 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Proteksyon, panawagan ng WMRA

 5,415 total views

 5,415 total views Nanawagan ang Workers Motorcycle Riders Association (WMRA) sa mga rider at publiko sa buong bansa na makiisa sa pag-aalay ng panalangin at pagsisindi

Read More »
Scroll to Top