Iwaksi ang kultura ng pagmamataas at paggamit ng kapangyarihan, panawagan ni Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,241 total reads

Nanawagan si Pope Leo XIV sa buong Simbahan na iwaksi ang kultura ng pagmamataas, paghatol at paggamit ng kapangyarihan, at sa halip ay isabuhay ang kababaang-loob at paglilingkod bilang tunay na daan sa pagpapalaganap ng kaharian ng Diyos.

Ito ang mensahe ng Santo Papa sa kanyang Angelus sa Liberty Square sa Castel Gandolfo nitong Linggo, July 19, kung saan iginiit na hindi sa lakas o impluwensya naipapahayag ang kapangyarihan ng Diyos kundi sa tahimik na pagkilos ng Kanyang pag-ibig sa puso ng tao.

“Instead, God favors smallness, a sign of his discreet love, by which he leaves us free to accept or reject him. His love makes its presence felt even among the weeds, acts in a hidden and invisible way like the smallest of all seeds, and leavens the dough without making a sound,” ayon kay Pope Leo XIV.

Binigyang-diin ng Santo Papa na hindi kumikilos ang Diyos sa paraang kahalintulad ng kapangyarihan ng mundo upang agad na lipulin ang kasamaan.

Binalaan ng punong pastol ang mga mananampalataya laban sa ganitong uri ng pag-iisip.

“We sometimes expect God to do something spectacular; we want him to intervene from on high, immediately uprooting the weeds of evil. We imagine a strong and powerful God, and, unfortunately, we also model our way of being Christians and way of being the Church on this image,” ani ng Santo Papa.

Paliwanag ni Pope Leo XIV na ang Kaharian ng Diyos ay patuloy na lumalago kahit sa gitna ng kasamaan at kaguluhan, kaya’t kinakailangang matutong makita ng tao ang kabutihang unti-unting sumisibol sa kabila ng dilim ng mga karanasan.

“The Kingdom of God spreads even amidst the weeds, requiring us to train our vision so we can discern the good that sprouts despite the darkness of evil, and avoiding rash judgments,” aniya.

Hamon ng Santo Papa sa bawat Kristiyano at sa Simbahan na pairalin ang diwa ng Ebanghelyo sa pakikitungo sa kapwa sa halip na manaig ang paghusga at pamimilit.

“We are called to adopt a Gospel-centered approach, without hastily opposing others through arrogant judgments, without imposing ourselves through power and force, and without losing trust in God’s work,” giit ni Pope Leo.

Ayon sa Santo Papa, ang tunay na lakas ng Simbahan ay nakikita sa kakayahan nitong maging “maliit na binhi ng Ebanghelyo” at “pampaalsa ng pag-ibig” na unti-unting nagpapabago sa lipunan.

Samantala, muling nanawagan si Pope Leo XIV ng panalangin para sa mga bansang patuloy na dumaranas ng digmaan at karahasan, kasabay ng panawagang suportahan ang lahat ng nagsisikap na maitaguyod ang kapayapaan.

“We continue to follow with concern the events unfolding in various countries torn apart by war and violence. Let us not forget those who are suffering and dying because of these conflicts, and let us add our constant prayers to the generous efforts for peace,” dagdag pa ng Santo Papa.

Patuloy na hinihikayat ng Santo Papa ang mga mananampalataya sa buong mundo na maging mga saksi ng Ebanghelyo sa pamamagitan ng kababaang-loob, pagtitiyaga at paglilingkod, sa paniniwalang ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa maliliit ngunit tapat na gawa ng pag-ibig.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 45,950 total reads

 45,950 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 150,572 total reads

 150,572 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 236,683 total reads

 236,683 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 306,816 total reads

 306,816 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 338,579 total reads

 338,579 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top