Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Jaro Archdiocese, inindorso ang MASA-MASID at UBAS

SHARE THE TRUTH

 421 total views

Inindorso ng Archdiocese of Jaro ang programa ng Department of Interior and Local Government na MASA-MASID o Mamamayang Ayaw sa Anomalya Mamamayang Ayaw sa Iligal na Droga at ang programang UBAS o Ugnayan ng Barangay at Simbahan.

Sa Pastoral Statement ni Jaro Archbishop Angel Lagdameo na may titulong “Unleashing the Power of Love and Mercy”, hinikayat nito ang mga namumuno sa simbahan, negosyante, professionals at lahat ng mga mananampalataya na maglaan ng panahon, at kanilang lakas upang matulungan ang pamahalaan sa pagsugpo sa iligal na droga.

Ayon sa Arsobispo sa pamamagitan ng Jaro Social Action center mapalalawak ang implementasyon ng Masa-Masid at UBAS.

“We must commit to greater church and state collaboration to eradicate the problem of illegal drugs.Through the facilitation of JASAC (Jaro Social Action Center), we can join hands in partnership with groups like the DILG for MASA MASID and UBAS to fight criminality, corruption, and illegal drugs,” dagdag ni Archbishop Lagdameno.

Pinasalamatan naman ni DILG Secretary Ismael Sueno si Abp. Lagdameo at ang Archdiocese of Jaro sa mainit na pagsuporta sa mga programa ng DILG.

“We are very thankful for the support of Jaro to our MASA MASID and UBAS program. It is my fervent hope that with the close collaboration of DILG and our church organizations, we will be able to win the war against illegal drugs through various approaches which include values reorientation and spiritual nourishment,” pahayag ng kalihim.

Ang MASA MASID ay isang programang humihikayat sa mga nais magvolunteer at tumulong upang mahigpit na mabantayan ang mga anomalya, korapsyon, at paglaganap ng iligal na droga sa Barangay level.

Ang naturang programa ay nagpapalawak rin sa una nang proyekto ng DILG na UBAS, sa mga lungsod at munisipalidad.

Samantala, sa datos ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 92-porsiyento ng mga barangay sa Metro Manila ay may operasyon ng iligal na droga.

Naitala naman ang mga drug-related cases sa 20.51% o 8, 629 na barangay mula sa kabuuang bilang nito na 42, 065 sa buong bansa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kabiguan sa kabataan

 19,424 total views

 19,424 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 49,505 total views

 49,505 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 63,565 total views

 63,565 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 81,995 total views

 81,995 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 170,095 total views

 170,095 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 113,941 total views

 113,941 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
1234567