1,382 total views
Inaanyayahan ng Jesuit Communications (JesCom) ang mananampalataya na makiisa sa paglulunsad ng mga bagong programa.
Layunin nitong higit maipakilala ang gawain ng JesCom sa pamayanan lalo na sa gawaing ebanghelisasyon gamit ang media at makabagong teknolohiya.
Isasagawa ang CONNECT: Jesuit Communications Fair 2023 sa July 22 sa Gateway 1 Mall Activity Center sa Cubao Quezon City.
“This event aims to launch the different digital initiatives of each department and re-introduce JesCom and update our partners and networks about the new programs of each unit. This event would bring awareness of who JesCom is and what we do in the organization,” pahayag ni Lester Mendiola, Director ng Jesuit Music Ministry.
Umaasa ang institusyon na makapagtatag ng mga bagong partnershipo sa iba’t ibang mga grupo, catholic institutions na makatutulong sa pagpapalaganap ng mabuting balita sa pamayanan at magpapalakas sa pananampalataya ng 80-milyong Pilipinong Katoliko.
Sa mahigit tatlong dekada ng JesCom nanatiling iisa ang hangarin nitong higit itaguyod ang pananampalatayang kristiyano na makatutulong sa paghubog ng nagbubuklod na lipunan.
“As a leading Catholic media organization, JesCom has successfully bridged the gap between traditional and new media, utilizing various platforms to disseminate credible and inspiring content,” ani Mendiola.
Ilan sa mga tampok na programa ng JesCom ang Word Expose ni Cardinal Luis Antonio Tagle na kasalukuyang Pro Prefect ng Dicastery for Evangelization ng Vatican; ang Kape’t Pandasal na mga pagninilay sa mabuting balita hatid ng mga paring Heswita at mga layko gayudin ang iba’t ibang grupo ng mga mang-aawit ng Jesuit Music Ministry.
“With a rich history, a clear vision, and a deep-rooted sense of purpose, JesCom embraces the challenges of the digital age, remaining steadfast in its mission to spread the Word and guide the faithful through humble and dedicated service in the field of communication,” dagdag ni Mendiola.
Kamakailan ay matagumpay ang benefit concert ng JesCom na ‘Bangon Simbahang Talibongnon’ sa Talibon Bohol na layong tulungang maiasaayos ang Most Holy Trinity Cathedral na lubhang napinsala ng bagyong Odette noong December 2021.