440 total views
Ang malusog na sanlibutan at mamamayan ay daan tungo sa isang mapayapang lipunan.
Ito ang pahayag ng Association of Major Religious Superiors in the Philippines o A-M-R-S-P bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Season of Creation 2020 na may temang Jubilee for the earth.
Ayon sa A-M-R-S-P, hindi na muling makababalik ang mundo sa nakasanayang pamumuhay bago lumaganap ang pandemyang Coronavirus disease.
Hinimok ng grupo ang pamahalaan at mga negosyo na ihinto na ang mga nakasisirang gawain na nakaugalian gaya ng paggamit ng non-renewable energy, pagmimina at pagpuputol sa mga punongkahoy sa kagubatan na sumisira sa biodiversity.
“There can be no turning back. In a post-Covid 19 virus world, governments and businesses must stop destructive practices such as the use of non-renewable energy mining, logging that leads to deforestation, industrial farming and fishing, industrial production of foods and consumer goods – that infringe on wildlife and the rights of nature.”, pahayag ng AMRSP
Hinikayat din ng grupo ang pamahalaan na gumawa ng mga hakbang upang maiwasan ang pagkakaroon ng mga digmaan.
Binigyang diin naman ng grupo na sa gitna ng panawagan ng kalikasan sa bawat tao at mga pamahalaan, na isipin ang paggalang at paninindigan sa karapatan ng kalikasan at karapatang pantao.
“At the heart of nature’s plea to every human being and all governments – respect and uphold the rights of nature and human rights. Live with justice, peace, charity and compassion in our hearts.”, ayon sa grupo.
Naunang nanawagan ang mga lider ng Simbahang Katolika sa mamamayan na maging responsableng katiwala o tagapangasiwa ng kalikasan.
Read: https://www.veritas846.ph/be-a-responsible-stewards-of-gods-creation/
Sa tala, ang AMRSP ay binubuo ng 283 kongregasyon, kabilang na dito ang 68 men congregations kung saan ang 18 kongregasyon ay itinatag dito sa Pilipinas.