Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Be a responsible stewards of God’s creation

SHARE THE TRUTH

 317 total views

September 2, 2020

Pormal na inilunsad ang ika-8 taong pagdiriwang ng season of creation 2020 kasabay ng ika-anim na taong pagdiriwang ng World Day of Prayer for Care of Creation na idineklara ng Kanyang Kabanalan Francisco tuwing unang araw ng Setyembre.

Pinangunahan ni Diocese of Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang pagsisimula ng Season of Creation na pinamumunuan ng grupong Global Catholic Climate Movement o GCCM-Pilipinas.

Sa panayam ng Radyo Vertias, sinabi ng obispo na isang hamon para sa lahat ang maging responsableng katiwala ng kalikasan na ating iisang tahanan.

Sinabi ng Obispo na itinuturo sa atin ng nararanasang pandemya ngayon ang kahalagahan ng pakikipagka-isa para sa lahat hindi lamang sa usaping pagkalikasan kundi maging sa pantay na katarungan para sa lahat.

“Ito ang malaking hamon sa’ting lahat. Magkaisa tayo, harapin itong ating paninira. Because of people, nations who are selfish. Sana we are all responsible stewards. So, ‘yung pagpapagaling sa sakit ng pandemya at iba’t ibang sakit sa buong mundo na sinisira ang kalikasan, ay nasa atin.

Sama-samang magbuklod, magkaisa, lalung-lalo na bigyang pansin, the most vulnerable. Ang hamon, magkaisa tayo para mapaghilom itong mga nagawa nating paninira sa kalikasan ng Diyos which we call our second home.”pahayag ni Bishop Ongtioco sa Radyo Veritas.

Samantala, bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Season of Creation 2020, pinangunahan naman ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ang banal na misa sa Minor Basilica of the Immaculate Concepcion o Manila Cathedral.

Sa kanyang mensahe, ipinaalala ng Obispo na kung hindi tayo magsasama-sama at kikilos bilang iisang nilikha, ay hindi natin matutugunan ang suliraning pangkalikasan.

Hinimok ng Obispo ang mga mananampalataya na magbago ng paraan ng pamumuhay ngayong panahon ng pandemya at sa halip ay pahalagahan ang mga bagay na mayroon tayo.

“Pahalagahan natin ‘yung mga mayroon tayo at hindi tayo maging malungkot sa mga bagay na wala tayo. ‘Yung ating lockdown [ang] nagturo sa atin nito. Maraming mga wala tayo, hindi tayo makabili, hindi tayo makapunta sa mall ngunit marami namang nandyan na napahalagahan natin, na magpapahalaga sa ating relationship sa isa’t isa at hindi sa mga bagay bagay na mayroon tayo.”, bahagi ng homiliya ni Bishop Pabillo sa Manila cathedral.

Hinikayat naman ng Obispo na bigyan ng panahon ang kalikasan upang makapagpahinga sa pamamagitan ng pagiging kuntento sa mga biyaya na ipinagkaloob ng Panginoon sa sangkatauhan na mas magpapalalim pa sa pananampalataya ngayong Season of Creation.

Ipinagdiriwang ang Season of Creation mula unang araw ng Setyembre hanggang ika-4 ng Oktubre, kasabay ng kapistahan ni San Francisco ng Assisi na pinalawig hanggang ika-11 ng Oktubre upang ipagdiwang ang Indigenous Peoples’ Sunday.

Ngayong taong 2020 ang ika-walong taon ng pagdiriwang ng Season of Creation sa Pilipinas na may temang Jubilee for the Earth kasabay ang ika-anim na taon ng World Day of Prayer for Care of Creation.

Hinihimok naman sa Laudato Si ng Kanyang Kabanalan Francisco ang mga mananampalataya na pangalagaan at protektahan ang sangnilikha upang hindi magdulot ng pinsala.

Alinsunod sa ipinapatupad na panuntunan bilang pag-iingat sa coronavirus disease, ang lahat ng gawaing kaugnay ng season of creation ay isasagawa sa pamamagitan ng online platform na masusundan sa facebook page ng GCCM PILIPINAS at Veritas846.ph.

ads
2
3
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Dugo sa kamay ng mga pulis

 5,020 total views

 5,020 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »

“Same pattern” kapag may kalamidad

 13,713 total views

 13,713 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »

Moral conscience

 28,481 total views

 28,481 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 35,604 total views

 35,604 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »

Season of Creation

 42,807 total views

 42,807 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Pamahalaan, hinimok ng MAO na mamuhunan sa malinis na hangin

 881 total views

 881 total views Hinimok ng Move As One (MAO) Coalition ang pamahalaan na tumugon sa pandaigdigang panawagang mamuhunan sa malinis na hangin. Iginiit ng grupo ang pamumuhunan sa malinis na hangin sa pamamagitan ng pagtataas ng pondo para sa mga low-carbon transport modes upang makinabang ang mamamayan sa mga benepisyong pangkalusugan, pang-ekonomiya, at pangkalikasang dulot ng

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Illegal quarrying at deforestation, pinuna ni Bishop Santos

 910 total views

 910 total views Kalakip ng paglikha ng Diyos sa mundo ang dakilang tungkuling pangalagaan, panatilihin, at pagyabungin ang sangnilikha. Ito ang pagninilay ni Antipolo Bishop Ruperto Santos, na siya ring kura paroko ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage, kaugnay sa pananalasa ng Bagyong Enteng at Habagat sa bansa na kasabay rin

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

To renew and restore creation, mensahe ng Caritas Bike for Kalikasan

 2,458 total views

 2,458 total views Naghahanda na ang social at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa isasagawang 3rd Caritas Bike for Kalikasan sa Cagayan de Oro. Ayon kay Caritas Philippines president, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, maituturing na mahalaga ang gawaing ito lalo na sa konteksto ng nagpapatuloy na krisis sa kalikasan. Sinabi

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Mamamayan ng Bohol, pinakikilos ng Obispo laban sa dengue

 3,666 total views

 3,666 total views Hinimok ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang pagtutulungan ng mamamayan upang maligtas sa banta ng tumataas na kaso ng dengue sa Bohol. Ang panawagan ni Bishop Uy ay matapos ideklara ang dengue outbreak sa buong lalawigan bunsod ng patuloy na pagtaas ng mga kaso na umabot na sa higit 450-porsyento mula noong Enero.

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pakikinig at pagkilos para sa kalikasan, hamon ni Cardinal Advincula sa mga Pilipino

 4,168 total views

 4,168 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang banal na Misa sa pagbubukas ng ika-11 taong pagdiriwang ng Season of Creation sa Archdiocese of Manila. Ginanap ito sa St. Francis of Assisi Parish sa Mandaluyong City noong August 31, 2024, isang araw bago ipagdiwang ang World Day of Prayer for the

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Iba’t-ibang social action centers ng simbahan, kaagapay ng mga apektado ng bagyong Enteng

 4,292 total views

 4,292 total views Patuloy na nananawagan ng panalangin ang mga diyosesis sa Bicol Region matapos ang pananalasa ng Bagyong Enteng at Habagat. Sa situational report ng Caceres Archdiocesan Social Action Center o Caritas Caceres, umabot sa 254 pamilya o halos 2,700 indibdiwal mula sa 47 barangay ng 13 bayan at dalawang lungsod ng Camarines Sur ang

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Ika-11 Season of Creation, bubuksan ng Archdiocese of Manila

 7,009 total views

 7,009 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Manila Ministry on Integral Ecology ang mga mananampalataya na makibahagi sa pagbubukas sa ika-11 Season of Creation sa arkidiyosesis. Magaganap ito sa August 31, 2024 mula alas-7 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon sa Lourdes School of Mandaluyong sa Mandaluyong City. Mula alas-9 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

400 energy experts, magbabagi ng kaalaman sa 3rd Clean Energy Philippines Expo 2024

 7,482 total views

 7,482 total views Magtitipon ang nasa 400 mga opisyal at dalubhasa mula sa energy companies sa Pilipinas at iba’t ibang panig ng mundo upang muling talakayin ang mga pag-unlad at iba pang usapin hinggil sa pagnanais na magkaroon ng malinis na enerhiya. Ito ang 3rd Clean Energy Philippines Conference | Expo 2024 na gaganapin sa September

Read More »
Latest News
Michael Añonuevo

DILG, nanindigang walang nilalabag ang PNP sa pagsisilbi ng arrest warrant kay Quiboloy

 8,256 total views

 8,256 total views Tiniyak ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na walang karapatang-pantao ang nalalabag sa kabila ng operasyon ng Philippine National Police (PNP) sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound sa Davao City. Ang pahayag ng DILG ay kaugnay sa inilabas na Temporary Protection Order (TPO) ng Davao City Regional Trial Court

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Mamamayan, inaanyayahan sa “Ecumenical Walk for Creation”

 8,569 total views

 8,569 total views Muling inaanyayahan ng Laudato Si’ Movement Pilipinas (LSMP) ang lahat ng Kristiyanong mananampalataya na makibahagi sa Ecumenical Walk for Creation 2024 bilang bahagi ng pagdiriwang sa Season of Creation. Gaganapin ito sa September 2, mula 4:00 hanggang alas-6:30 ng umaga sa St. Andrew’s Theological Seminary sa Quezon City. Layunin ng gawaing ipalaganap ang

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Sambayanang Pilipino, hinimok na makiisa sa “Season of Creations”

 11,298 total views

 11,298 total views Inaanyayahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mananampalataya na palalimin ang kamalayan at ugnayan sa sangnilikha ng Diyos sa pagdiriwang ng Season of Creation ngayong taon. Sa mensahe ni CBCP president, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, hinikayat ng obispo ang lahat na makibahagi sa pagdiriwang, sama-samang manalangin at kumilos upang tugunan

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Sambayanang Pilipino, hinamong kumilos para sa kalikasan

 11,877 total views

 11,877 total views Nananawagan ang Caritas Philippines sa mamamayan sa agarang pagkilos at pagkakaisa kasabay ng pagdiriwang sa 2024 Season of Creation. Ayon sa social at development arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, bilang mga katiwala ng sangnilikha, tungkulin ng bawat isang kumilos para sa kapakanan ng mga lubhang apektado ng pagkasira ng kalikasan

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Mamamayan, binalaan ng CBCP-ECHC sa pagkalat hg fake news sa MPOX virus

 11,335 total views

 11,335 total views Binalaan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Health Care (CBCP-ECHC) ang mamamayan na iwasan ang paglikha ng maling impormasyon hinggil sa mpox (monkeypox) virus. Ayon kay CBCP-ECHC vice chairman, Military Bishop Oscar Jaime Florencio, ito’y upang hindi magdulot ng pagkabahala sa publiko lalo’t ang kumakalat na virus ay

Read More »
Latest News
Michael Añonuevo

Paglilipat sa BOT ng PhilHealth funds,tinutulan ng Caritas Philippines

 11,838 total views

 11,838 total views Suportado ng social at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang isinampang petisyon sa Supreme Court upang protektahan ang pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Hinihiling sa petisyon ang temporary restraining order at writ of preliminary injunction para pigilan ang paglilipat sa Bureau of Treasury ng humigit-kumulang P90-bilyong labis

Read More »
Economics
Michael Añonuevo

Caritas Philippines, nagbabala laban sa mga ‘scammer’

 13,594 total views

 13,594 total views Binalaan ng social at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang publiko laban sa mga mapagsamantalang ginagamit ang pangalan ng opisyal ng simbahan upang manlinlang ng kapwa. Kaugnay ito sa mga pekeng facebook account na nagpapakilalang si Caritas Philippines executive director, Fr. Tito Caluag. Nababahala ang institusyon dahil maaari itong

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top