Pagbabasa ng Bibliya, tugon sa anxiety at depression

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 772 total reads

September 2, 2020

Makatutulong sa mga taong may dinaramdam na problema o suliranin ang pagbabasa ng Bibliya sa halip na ituon ang sarili sa social media o internet.

Ito ang payo ni Rev. Fr. Egai de Jesus, registered counselor & consultant ng University of Santo Tomas Psychotrauma Clinic at Radio Veritas Healing Touch Anchor sa lumalalang mental wellness sa gitna ng pandemya.

Ayon kay Fr. De Jesus, maraming nilalamang kuwento ng pag-asa ang bibliya na makatutulong upang maging positibo ang mga tao sa kabila ng mga nararanasang krisis dulot ng COVID-19 pandemic.

“Go back to the bible. Kasi ito yung maraming kuwento ng pag-asa. Tayo na mismo sa sarili na natin dun sa magagandang bagay na puwede mong panoorin, para sa input ng isip mo, input ng kalooban mo. Para very positive ang dumating.”, pahayag ni Fr. De Jesus sa Radyo Veritas.

Ipinaliwanag ng pari na makatutulong sa mga taong may depression ang pansamantalang pag-iwas sa paggamit ng gadget o pagbababad sa internet na kung saan maraming negatibo ang mababasa at makikitang kawalan ng pag-asa sa nagaganap sa bansa.

Hinihikayat ng pari ang pagkakaroon ng spiritual exercise, meditation at spiritual reading na makatutulong na pampakalma kapag nakararanas ng depression at anxiety.

“Kapag nasa concept na sila ng anxiety saka depression, ‘wag naman silang masyadong puro panood ng puro negative. Kasi lahat ng tao nakasubsob sa internet, sa facebook, sa tv. So lahat ng yan lalo kang matatakot sa mga nangyayari, nadidinig mo. So, mag-avoid tayo ng so much, too much dream na dahil sa mga nakikita na puro negative. So read, & watch something beautiful. Mga spiritual exercises, meditations, spiritual reading.”, ayon sa pari.

Hinimok din ni Fr. De Jesus ang mamamayan na gamitin ang social media o internet sa positibong paraan sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa mga propesyonal tulad ng psychologist o pari at higit sa lahat ang pagdarasal at paghingi ng tulong sa Panginoon.

“Find more time to pray to be connected with God. Find your special place in your house where you can sit or kneel down and pray in silence. Itaas mo yung kamay mo sa Panginoon. Be connected with God, kasi sa huli ang kakapitan mo talaga ‘yung pinakamakapangyarihan sa lahat e. It’s about time to recognize, the mighty power of God.”,pagbabahagi ni Fr. De Jesus.

Ayon naman sa tala ng University of the Philippines-Diliman—Psychosocial Services (UPD-PsycServ), umaabot na sa mahigit 100-tawag sa telepono ang natatanggap nila kada araw mula sa mga nakararanas ng mental health.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 32,855 total reads

 32,855 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 135,304 total reads

 135,304 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 220,673 total reads

 220,673 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 267,410 total reads

 267,410 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 315,282 total reads

 315,282 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 412,439 total reads

 412,439 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 172,957 total reads

 172,957 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top