Men in uniform, binigyang pugay ng Military Ordinariate of the Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,002 total reads

September 1, 2020

Kinilala ng Military Ordinariate of the Philippines (MOR) ang kabayanihan ng mga kawani ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas, Pambansang Pulisya ng Pilipinas at iba pang men and women in uniform na nagsusumikap na gampanan ang kanilang tungkulin sa kabila ng banta at kapahamakan na dulot ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio, maituturing na mga bayani ang puwersa ng pamahalaan bukod sa mga medical frontliners na nangunguna sa pagtugon sa pandemya sa bansa.

Ipinaliwanag ng Obispo na malaki rin ang tungkuling ginagampanan ng puwersa ng pamahalaan sa pagtiyak na masunod ang mga security health protocols upang hindi kumalat ang nakahahawa at nakamamatay na virus.

Umaasa rin si Bishop Florencio na patuloy na manaig ang kabutihan sa bawat kawani ng puwersa ng pamahalaan.

“To our policemen, the armed forces of the Philippines and all those men and women in uniform, please note that at this time of pandemic and crisis you are our heroes. You have also sacrifice for our people and country. Know that you are always in our prayers. Your heroism will be remembered not just by the Filipino people but by the almighty in heaven. Don’t get tired of doing what is for the good of the country and for the people for you will be rewarded a hundredfold. May your examples continue to inspire all of us. Mabuhay kayong lahat.”mensahe ni Bishop Florencio sa Radio Veritas.

Ibinahagi ng Obispo na ang pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani ay simbolo ng patuloy na pagkilala at pagbibigay pugay sa mga bayani ng bansa na isinakripisyo ang kanilang buhay para sa kabutihan at kapakanan ng bayan.

Panalangin naman ni Bishop Florencio na patuloy na biyayaan ang Pilipinas ng mamamayan na handang ialay ang kanilang sarili para sa kaayusan at kabutihan ng buong bansa.

“We are happy to celebrate the National Heroes Day because it recognizes duly the efforts and sacrifices of our people who have been so altruistic. May their examples radiate to other Filipinos. May they also be blessed with bountiful blessings and May they continue to increase and saturate our societies with people like these Heroes of ours.” Dagdag pa ni Bishop Florencio.

Saklaw ng Military Ordinariate of the Philippines ang pangangasiwa sa paggabay sa buhay espiritwal ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management & Penology (BJMP) at Veterans Memorial Medical Center (VMMC).
Batay sa pinakahuling datos ng PNP Health Service noong ika-26 ng Agosto umaabot na sa 3,669 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police kung saan 16 na ang nasawi habang nasa 2,626 naman ang gumaling.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 32,912 total reads

 32,912 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 135,384 total reads

 135,384 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 220,753 total reads

 220,753 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 267,490 total reads

 267,490 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 315,362 total reads

 315,362 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 412,514 total reads

 412,514 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top