Kabataan, hinimok ng CBCP na makibahagi sa usaping panlipunan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 831 total reads

Mahalagang makibahagi ang mga kabataan sa mga kasalukuyang usaping panlipunan na magsisilbing batayan ng hinaharap at kinabukasan ng bayan.

Ito ang binigyang diin ni Daet Bishop Rex Andrew Alarcon – Chairman, CBCP Episcopal Commission on Youth kaugnay sa naganap na TEND TALKS: A Webinar on Death Penalty.

Ayon sa Obispo, ang usapin ng pagbabalik ng parusang kamatayan sa bansa ay isang usapin na dapat na maging aktibo ang mga kabataan upang mapigilan ang muling pagsasabatas ng hindi makatao at maka-Diyos na parusa.

Umaasa rin si Bishop Alarcon na maging epektibong paraan ang naging talakayan upang higit na mapaunawa sa mga kabataan ang dapat na pagsusulong sa restorative justice sa bansa sa halip na pagbabalik ng parusang kamatayan.

“Dear young people why should we be concern, because this is about us, our community our culture and our future. I trust this webinar will promote awareness, understanding, and commitment to action against death penalty towards restorative justice.” ang pahayag ni Daet Bishop Rex Andrew Alarcon.

Ipinaliwanag ng Obispo na bilang mga Kristiyano at taga-sunod ni Kristo ay dapat higit maunawaan ng bawat isa na ang pag-ibig ay higit na mas matimbang sa galit at ang awa ay higit na mas matimbang sa paghihiganti.

Pagbabahagi ni Bishop Alarcon, ang pag-ibig at awa ay pawang nagsasantabi sa anumang uri ng karahasan, pang-aabuso at higit sa lahat ay pagpatay. Iginiit ng Obispo na pag-ibig, awa at katarungan na nagmula sa Panginoon ay nangangahulugan ng buhay at pagbabagong buhay para sa mga naligaw o nakagawa ng kasalanan.

“As followers of Jesus we believe love is stronger than hate, mercy is stronger than revenge, love and mercy says no to abuse, exploitation, and murder. Justice, love and mercy are a call to convertion to restoration. Justice, love and mercy are a call to life.” Dagdag pa ni Bishop Alarcon.

Ang TEND TALKS: A Webinar on Death Penalty ay magkatuwang na inorganisa ng CBCP – Episcopal Commission on Youth (ECY) at CBCP – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care.

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 422 total reads

 422 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 6,058 total reads

 6,058 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 43,438 total reads

 43,438 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 74,709 total reads

 74,709 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 151,853 total reads

 151,853 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 245,773 total reads

 245,773 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 23,415 total reads

 23,415 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top