Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kahirapan, kultura at maling sistema ng edukasyon dahilan ng kidnapping sa bansa

SHARE THE TRUTH

 867 total views

Ito ayon kay Sr. Ramona Tendon, Associate of Notre Dame – Social Action Directress ng Apostolic Vicariate of Jolo, Sulu ang ilan lamang sa mga salik at dahilan sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kidnapping incident sa bansa.

Paliwanag ng Madre, hindi mai-aalis ang epekto ng kahirapan sa mga pangunahing dahilan ng pagdukot o kidnapping lalo’t malaking halaga ang maaring makuha bilang kapalit ng mga dinukot na indibidwal.

Inihayag rin ni Sr. Tendon na kaya rin mataas ang insidente ng kidnapping sa Jolo ay dahil na rin sa marami pa ang mayayabong at masusukal na kagubatan sa lalawigan na pangunahing pinagtataguan ng mga kriminal dahil sa hirap pasukin ng mga otoridad.

“Sa Jolo po kasi napakataas ng rate ng kidnapping, kasi doon po dinadala yung mga kini-kidnap alam niyo bakit doon dinadala?, maganda po kasi ang lugar namin, makapakapal po yung forest pa, may mga virgin forest po kami na pwedeng pagtaguan at hindi maabot-abot ng mga in authorities kasi mahirap pong pasukin, ganun po yun…” pahayag ni Sr. Tendon sa panayam sa Radio Veritas.

Kaugnay nito, isang taon bago ang nakatakdang halalan naitala mula Enero hanggang Mayo ng 2015, ang may 10-insidente ng kidnapping mula sa Kanluran at Hilangang Mindanao na batay sa Philippine Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) ay kadalasang mas tumataas pa tuwing papalapit ang halalan.

Sa kabila nito, iginiit ni Sr. Tendon na malaking bahagi pa rin ng populasyon ng mga mamamayan sa lalawigan ang tunay na nanghahangad ng kapayapaan mula sa kawalang katarungan sa lipunan at walang humpay na kaguluhan sa rehiyon ng Mindanao.

Gayunpaman, aminado ang Madre na mahirap rin para sa mga otoridad ang sitwasyon sa Mindanao, lalo’t patuloy na umiiral sa rehiyon ang kulturang Rido na pagdamay maging sa ibang miyembro ng pamilya ng nakaalitan o tila ubusan ng lahi.

Dahil dito aniya, hindi na nakapagtataka na hindi agad tuluyang mapuksa ng mga otoridad ang krimen at kaguluhan sa mga lalawigan.

“infairness naman po mga pasaway lang po ang pinag-uusapan natin pero infairness marami naman po sa kanila ay mabubuti at nag-aasam din po ng kapayapaan, pagod na din po sila kaya lang po nandyan po kasi yung takot at yung Rido na culture nila, na yung babalikan yung pamilya nila ubusan ng lahi pero hindi nauubos kasi kaya ganun, kaya po ang nangyayari dyan takot sila na baka balikan yung pamilya, yun po yung takot na yun kasi po yung law enforcer naman po natin ay syempre natatakot din sila sa buhay nila na yung pamilya nila ay balikan, so it is para bang it is a reaping effect of that thing, and it is on-going…” dagdag pa ni Sr. Tendon.

Kaugnay nito, una ng naitala ng Internal Displacement Monitoring Center ang may 1.9 na milyong tao na naapektuhan ng may 40 taon ng kaguluhan at hidwaan sa Mindanao.

Magugunitang, una na ngang nagpahayag si Cotabato Archbishop Orlando Cardinal Quevedo, ng kanyang pagnanais na tutukan ang pagsulong ng kapayapaan sa rehiyon ng Mindanao, at patuloy na gampanan ang pagiging Peace Advocate sa pamamagitan ng tahimik at payak na paraan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Apela sa bagong housing czar

 18,476 total views

 18,476 total views Mga Kapanalig, kasama si dating Secretary Jerry Acuzar ng Department of Human Settlements and Urban Development (o DHSUD) sa mga nagpasa ng courtesy

Read More »

Panagutin naman natin sila

 31,912 total views

 31,912 total views Mga Kapanalig, may mga kababayan tayong ang tingin sa impeachment trial para dinggin ang mga reklamo laban kay Vice President Sara Duterte ay

Read More »

CLIMATE CRISIS

 48,563 total views

 48,563 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 58,997 total views

 58,997 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top