Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 606 total views

Mga Kapanalig, isa ka ba sa mga kumikuwestyon at kumukontra sa pagkakaroon ng confidential funds ng mga sibilyang opisina ng gobyerno? 

Kung oo, kalaban ka ng bayan. 

Sabi kasi ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte, “Kung sinuman [ang] kumokontra sa confidential funds ay kumokontra sa kapayapaan. Kung sino ang kumokontra sa kapayapaan ay kalaban ng bayan.”

Sa isang talumpati sa harap ng mga pulis sa Agusan del Norte noong ikaapat ng Oktubre, ipinagtanggol ng pangalawang pangulo ang pagtanggap ng kanyang opisina ng confidential funds noong 2022. Iginiit niyang nagamit ang pondong mula sa Office of the President para matugunan ang mga hindi inaasahang hamon sa seguridad katulad ng terorismo at organized crime. Ang mga sumasalungat daw sa paglilipat ng milyung-milyong confidential funds sa Office of the Vice President ay tumututol sa pagbibigay ng proteksyon sa taumbayan. Inilalagay daw sa panganib ng mga nais makompromiso ang seguridad ng mga tao ang kaunlaran ng bansa. Hindi naman niya direktang sinagot ang mahahalagang tanong kung paano nagawa ng kanyang opisina na maubos ang napakalaking confidential funds sa loob lamang ng labing-isang araw.

Para sa isang lider na nasa mataas na posisyon sa gobyerno at pinuno pa ng Kagawaran ng Edukasyon, hindi sana tayo nakaririnig ng tinatawag na non-sequitur. Ang non-sequitur ay tumutukoy sa isang konklusyon o pahayag na hindi lohikal na sumusunod sa sinundang argumento o pahayag. Halimbawa, ang mga pumupuna sa giyera kontra droga ay madalas ituring na tagasuporta ng mga drug lords at kumukunsinti sa mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Non-sequitur ito. Ang pagtutol sa war on drugs ay hindi nangangahulugang pagpabor sa paglaganap ng droga. Naniniwala ang mga tutol sa war on drugs sa karapatang pantao at tamang proseso ng batas o due process

Isa pang halimbawa: ang mga kritiko ng gobyerno ay agad na tinatawag na kakampi o kasapi ng New People’s Army (o NPA) o ng anumang teroristang grupo. Non-sequitur din ito. Tumututol ang mga tao sa mga maling ginagawa ng mga nasa gobyerno dahil salungat ito sa kanilang sinumpaang tungkulin. At karapatan ng taumbayang papanagutin ang mga nasa gobyerno dahil umiiral pa rin naman ang demokrasya sa ating bansa.

Ang sabihing kalaban ng kapayapaan at kalaban ng bayan ang mga nagtatanong lamang kung saan at paano ginamit ang pondong mula sa buwis ng mga Pilipino ay isang malaking non-sequitur. Kung tunay ngang nagamit ang milyun-milyong confidential funds para sa kapayapaan at seguridad, ano ang pruweba? Ano ang katibayang nakatulong ang pondong ito kahit pa naubos ito sa loob lamang ng halos dalawang linggo? Bakit ginamit ito ng isang opisinang wala namang direktang kinalaman sa pagpapanatili ng kapayapaan? Madaling sagutin ang mga ito. Hindi kailangang gumamit ng mga non-sequitur o mga pangungusap na walang lohika.

Sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, sinabi ni Pope Paul VI na ang kapangyarihang pulitikal o political authority—isang kapangyarihang nakaatang sa ating mga lider—ay dapat nakatuon sa common good o kabutihang panlahat. Kaya naman, ang pangangasiwa ng pondo ng bayan ay dapat na nakatuon sa kapakanan ng taumbayan. At sa isang demokratikong bansa, dapat na tinitiyak na hindi nagagamit ang pondong pinag-ambag-ambagan natin para sa kagustuhan lamang ng mga nasa poder. Dapat na inaalam natin kung tunay nga itong napunta sa dapat nitong paggamitan. Karapatan at tungkulin ito ng mga mamamayan. Hindi ito paglaban sa kapayapaan. Hindi ito paglaban sa bayan.

Mga Kapanalig, paalala nga sa Efeso 4:29, “Huwag kayong gumamit ng masasamang salita kundi iyong makapagpapalakas at angkop sa pagkakataon upang makapagdulot ng mabuti sa mga nakakarinig.” Hindi mabuti sa mga nakaririnig ang mga salitang paliguy-ligoy, itinatago ang totoo, at walang lohika.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 3,179 total views

 3,179 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 9,152 total views

 9,152 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 14,907 total views

 14,907 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 22,170 total views

 22,170 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 30,155 total views

 30,155 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 3,181 total views

 3,181 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 9,154 total views

 9,154 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 14,909 total views

 14,909 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 22,172 total views

 22,172 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 30,157 total views

 30,157 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 35,241 total views

 35,241 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 47,245 total views

 47,245 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 55,287 total views

 55,287 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 46,844 total views

 46,844 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 45,269 total views

 45,269 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 47,055 total views

 47,055 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 43,980 total views

 43,980 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 58,294 total views

 58,294 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 61,984 total views

 61,984 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 60,587 total views

 60,587 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top