Radio Veritas, binigyang pagkilala ng CDA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,555 total reads

Binigyang pagkilala ng Cooperative Development Authority ang Radio Veritas 846 at Buhay Kooperatiba Program ng himpilan.

Ang parangal ay sa patuloy na pakikiisa ng himpilan sa pangunguna ni Father Anton CT Pascual – Pangulo ng Radio Veritas sa mga adbokasiya na isinusulong ang kooperatibismo sa bansa.

Ang pagkilala ay ginanap sa CDA Gawad Parangal 2023 sa Philippine International Convention Center kung saan bukod sa mga media partners ay pinarangalan din ng ahensya ang mga natatanging kooperatiba, indibidwal, estudyante at institusyon na kaisa sa pagsusulong ng kooperatiba.

Nagpapasalamat din si CDA Chairman Joseph Encabo sa mga pinarangalan sa gawain dahil kaisa sila sa mga adbokasiya ng ahensyang nangangasiwa sa mga kooperatiba sa Pilipinas.

Ilan sa mga adbokasiya ang pangangalaga sa sama-samang yaman ng mga miyembro ng mga kooperatiba upang mapaunlad ang pamumuhay ng kanilang mga miyembro.

Ngayong taon ang tema ay “Cooperatives: Pioneering the Path to Recovery Amidst Modern Challenges of Climate Change and Food Security”.

“Maraming salamat po sa patuloy ninyong pagmamahal at suporta at pagtataguyod ng kooperatibismo sa ating bansa, ito ay isang pagpapatunay na mahalaga po ang samahan sa kooperatibismo at ang kontribusyon na naibigay natin sa ating bansa lalung-lalu na sa pagbigay solusyon ng ating napapanahong problema kagaya ng climate change at food security,” pahayag ni Encabo.

Sa pinakabagong talaan ng CDA ngayong 2023, umaabot na sa higit 20-libo ang kabuoang bilang ng mga kooperatiba na binubuo ng mahigit na 19-milyong miyembro sa ibat-ibang bahagi ng Pilipinas.

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 7,073 total reads

 7,073 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nalulugi ang transportasyon

 18,282 total reads

 18,282 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 47,768 total reads

 47,768 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 96,034 total reads

 96,034 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 118,123 total reads

 118,123 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 216,924 total reads

 216,924 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seafarers, kinilala ni Bishop Santos

 19,492 total reads

 19,492 total reads Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos, CBCP Bishop Promoter of Stella Maris–Philippines, ang mga marinong Pilipino sa paggunita ng National Seafarers’ Sunday,

Read More »
Scroll to Top