Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 921 total reads

Ang Mabuting Balita, 17 Oktubre 2023 – Lucas 11: 37-41

LUBOS NA AKSAYA NG PANAHON

Noong panahong iyon, pagkatapos magsalita ni Jesus, siya’y inanyayahan ng isang Pariseo upang kumain, kaya’t pumunta siya sa bahay nito. Pagdulog sa hapag, nagtaka ang Pariseo nang makita niyang kumain si Jesus nang hindi muna naghugas ng kamay. Sinabi sa kanya ng Panginoon, “Kayong mga Pariseo, hinuhugasan ninyo ang labas ng tasa at ng pinggan, ngunit ang loob ninyo’y punong-puno ng kasakiman at kasamaan. Mga hangal! Hindi ba’t ang may likha ng labas ang siya ring may likha ng loob? Ngunit ipamahagi muna ninyo sa mga dukha ang mga laman ng mga sisidlan at magiging malinis ang lahat ng bagay para sa inyo.”

————

Bakit kaya inanyayahan ng Pariseo si Jesus na kumain sa bahay niya pagkatapos magsalita si Jesus ng ganito: “Ang iyong mata ang ilaw ng iyong katawan. Kung malinaw ang iyong mata, mapupuno ng liwanag ang buo mong katawan. Ngunit kung malabo ang iyong mata, ang buo mong katawan ay mapupuno ng kadiliman. Kaya’t mag-ingat ka, baka ang liwanag na inaakala mong nasa iyo ay kadiliman pala. Kung nasa liwanag ang buo mong katawan at walang bahaging nasa dilim, magliliwanag itong parang isang ilawan na tumatanglaw sa iyo (Lucas 11: 34-36).” May tinamaan kaya si Jesus kaya’t ninais ng Pariseo na makahanap ng kamalian kay Jesus? Oo, nakahanap ng mali ang Pariseo noong hindi naghugas ng kamay si Jesus bago kumain, ngunit ginamit ito ni Jesus upang ituro sa kanila ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malinis na kalooban. Upang ang isang lampara ay makapagbigay ng sapat na liwanag, kailangang lubos ang liwanag. Kung kalahati lang ang liwanag, magiging mas higit ang kadiliman. Paano tayo magiging liwanag sa iba kung iba tayo sa labas at iba rin sa loob? Hindi tayo makapagbibigay ng sapat na liwanag, kundi kalahating liwanag lamang.

Kung iisipin natin, ano ang saysay ng pagkukunwari na malinis tayo sa labas kung hindi tayo malinis sa loob? Anong mapapala natin dito? Nakakapagod ang magkunwari palagi sapagkat hindi natin kayang lokohin ang sarili natin, lalo na ang Diyos. Ito ay isang LUBOS NA AKSAYA NG PANAHON. Bakit hindi na lang tayo maging tunay na mabubuting tao? Ito ay magpapasaya at magbibigay ng kapayapaan sa atin.

Hinihiling namin Panginoon, tulungan mo kami maging mga Kristiyano sa salita at sa gawa!

Environmental advocates, kinilala ng PMPI

 16,956 total reads

 16,956 total reads Iginiit ng Philippine Misereor Partnership Incorporated o PMPI na bahagi ng makataong pagtugon sa mga krisis ang pangangalaga sa kalikasan, kasabay ng paggunita

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 46,367 total reads

 46,367 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 106,865 total reads

 106,865 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 126,611 total reads

 126,611 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 207,265 total reads

 207,265 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 306,899 total reads

 306,899 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

LAW OF LOVE

 10,142 total reads

 10,142 total reads Gospel Reading for August 17, 2026 – Matthew 19: 16-22 LAW OF LOVE A young man approached Jesus and said, “Teacher, what good

Read More »

PUREST FORMS OF PRAYER

 7,084 total reads

 7,084 total reads Gospel Reading for August 16, 2026 -Matthew 15: 21-28 PUREST FORMS OF PRAYER At that time, Jesus withdrew to the region of Tyre

Read More »

FALL INTO PLACE

 8,569 total reads

 8,569 total reads Gospel Reading for August 15, 2026 – Luke 1: 39-56 FALL INTO PLACE Solemnity of the Assumption of the Blessed Virgin Mary Mary

Read More »

WORK OF LOVE

 18,342 total reads

 18,342 total reads Gospel Reading for August 14, 2026 – Matthew 19: 3-12 WORK OF LOVE Some Pharisees approached Jesus, and tested him, saying, “Is it

Read More »
Scroll to Top