Kalagayan ng mga PDL, pinapaimbestigahan ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

Nanawagan si San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ng panalangin at pagkalinga para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa Negros Occidental District Jail – Male Dormitory (NODJ-MD), matapos isapubliko ng KAPATID-NEGROS –isang organisasyon ng mga kaibigan at kapamilya ng political prisoners ang ‘silent protest’ na isinagawa ng mga PDLs na nagsimula noong Agosto 24, 2025.

Sa pahayag ng Obispo na may titulong “Listen to the Cry for Dignity,” ay ibinahagi ni Bishop Alminaza na siya ring incoming chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action, Justice, and Peace ang hinaing ng mga PDLs kaugnay sa paglabag sa kanilang mga karapatan.

Ayon kay Bishop Alminaza kabilang sa nasasaad sa petisyon ng mga PDLs ang mataas na presyo ng pagkain at pangunahing pangangailangan sa ilalim ng ‘cashless procurement system’ sa loob ng bilangguan; ang kakulangan sa maayos na implementasyon ng oras para sa arawan at pagtatanim; at ang alegasyon ng harassment at arbitrary isolation.

“KAPATID-NEGROS, an organization of friends and families of political prisoners, has brought to public attention that Persons Deprived of Liberty (PDLs) in the Negros Occidental District Jail – Male Dormitory (NODJ-MD) are conducting a Silent Protest, since August 24, 2025. The PDLs have also written a petition on grievances, including violations of their rights. Allegations of unchecked impunity by detention-facility authorities must be swiftly and thoroughly investigated. The petition of the PDLs raises serious concerns: on matters of detainee welfare with reports of extraordinary prices under a ‘cashless’ procurement mechanism and the questionable implementation of sunning/gardening times as well as allegations of harassment and arbitrary isolation.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Alminaza.

Giit ni Bishop Alminaza, maituturing na isang moral na kasalanan ang pagsasamantala sa mga taong nakakulong, lalo na’t ang kanilang pamilya ay dumaranas na rin ng dagdag na pasanin dahil sa kanilang sitwasyon.
Nanawagan naman ang Obispo ng agaran at masusing imbestigasyon kaugnay sa kalagayan ng mga PDLs upang mapayapa itong masolusyunan at maiwasan ang higit pang kaguluhan sa loob ng kulungan.

“Jail management must ensure fair treatment, including conscientiously making available the lowest prices for foodstuffs and other necessities. It is morally reprehensible for persons in authority to take advantage of PDLs, especially as most detainees and their families carry additional financial burdens and situational challenges that come with deprivation of liberty. Today’s reports of disturbances at the jail facility should be immediately investigated and any concerns soberly managed, giving proper care to calmly deescalate tensions.” Dagdag pa ni Bishop Alminaza.
Inanyayahan ni Bishop Alminaza ang bawat isa na makibahagi sa tahimik na pag-aalay ng panalangin tuwing ganap na alas-syete ng gabi bilang tanda ng pakikiisa, pagmamalasakit at pag-alala sa kalagayan ng mga PDLs sa Negros Occidental District Jail – Male Dormitory (NODJ-MD).

“We enjoin the Christian faithful to offer a silent prayer at 7pm tonight, and in the days coming, for everyone at the Negros Occidental District Jail – Male Dormitory (NODJ-MD). Our silent prayers can express our concern and solidarity. Our silence will help us listen and respond to the cry for dignity.” Paanyaya ni Bishop Alminaza.

Samantala pinaalalahanan rin ng Obispo ang bawat isa na tuwinang isabuhay ang panawagan ng pananampalataya na paggalang sa dignidad, pagtiyak ng makataong pagtrato, at pagsusulong ng tunay na katarungan para sa lahat, maging para sa mga PDLs na nakagawa ng pagkakasala sa buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Krisis sa bukid at laot

Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng mga mamamayan.

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa Barangay Batasan

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas kundi isang

Read More »

Patibong ng kasamaan

Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay nagkukunwaring anghel

Read More »

Anyare sa ICI?

Mga Kapanalig, mahigit anim na buwan mula nang itatag ang Independent Commission for Infrastructure (o ICI), inanunsyo na ang pagbuwag nito sa darating na Martes,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top