Kalalakihan at kabataan, Hinimok na maging Katekista

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 845 total reads

Inaanyayahan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang mga kalalakihan at kabataan na maging bahagi sa pagpapayabong ng pananampalataya bilang isang Katekista ng Simbahan.

Ayon kay CBCP-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education Chairman Balanga, Bataan Bishop Roberto Mallari, sa kakaunting bilang ng mga Katekista sa bansa ay 90 porsyento sa mga ito ay pawang kababaihan at mga matatanda.

“Unang una yung mga Katekista natin according to survey nitong nakaraan, 90 percent dito ay matatanda and then female. Mahalaga nito ay mai-address at mai-challenge ang male Catholics to get involve in teaching the faith. Kailangan din natin ang mga kabataan na i-challenge to get involve to share their Faith to their fellow young people,” ayon kay Bishop Mallari.

Inihayag ng Obispo na nangangailangan ng karagdagang mga Katekista ang simbahan para paigtingin ang Katesismo at pagtuturo ng pananampalataya sa mga bata lalu na sa mga Pampublikong Paaralan.

“Kailangan lang siguro na tingnan pa to help them see these important aspect of our life na kung walang mga katekistang magtuturo hindi talaga makakalat ang buhay pananampalataya natin so we need them really para sa promotion of faith,” ayon kay Bishop Mallari sa panayam ng Radio Veritas.

Nakatakdang dumalo si Bishop Mallari kasama ang higit sa 60 katekista sa Vatican sa isasagawang International Congress on Catechesis na may temang ‘The Catechist: Witness to the Mystery’ na magsisimula sa ika-20 hanggang ika-23 ng Setyembre sa Vatican.

Ayon sa Obispo, layunin ng kanilang pagdalo ang pag-ibayuhin pa ang pagmimisyon sa pagtuturo ng katesismo sa mga kabataan at pagtalakay sa mga suliranin na kinakaharap ng mga katekista sa buong mundo.

Sa Pilipinas, sinabi ni Bishop Mallari na mahigit lamang sa 25 libo ang bilang ng mga katekista kung saan 90 porsyento sa mga ito ay pawang mga kababaihan at matatanda na nasa edad 50 pataas.

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 5,922 total reads

 5,922 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NEW NORMAL

 37,302 total reads

 37,302 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 131,531 total reads

 131,531 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 192,025 total reads

 192,025 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 205,932 total reads

 205,932 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 286,472 total reads

 286,472 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top