Kaligtasan mula sa COVID-19 pandemic, hilingin sa Holy Spirit

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 572 total reads

June 1, 2020, 12:21PM

Hinimok ng Sanggunitang Laiko ng Pilipinas ang bawat mananampalataya na sama-samang manalangin at hilingin ang paggabay ng Espiritu Santo mula sa banta na dulot ng pandemic na Coronavirus Disease 2019.

Ayon kay Sangguniang Laiko ng Pilipinas President Rouquel Ponte, ang paggunita ng Dakilang Kapistahan ng Pentekostes o pagbaba ng Espiritu Santo ay hudyat rin ng pagsilang ng Simbahan na katuparan ng pangako ng Panginoon sa sangkatauhan.

Sinabi ni Ponte na sa gitna ng kinahaharap ng daigdig mula sa banta ng COVID-19 ay mahalagang patuloy na manalig ang bawat isa sa kaloob at biyayang hatid ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu Santo.

“Ang Pentecost Sunday ay ang birthday ng ating Simbahan kaya ang atin pong panalangin na pinangakong Espiritu Santo ng Panginoon Diyos ay igawad niya sa Simbahan at sa ating lahat. Magdasal at sama-samang hilingin na itong pinagdadaanan natin ngayon sa transition time na ito from the pandemic towards the new reality that we will face will really be guided and blessed by the power of the Holy Spirit…”pahayag ni Ponte sa panayam sa Radyo Veritas.

Matatandaang nauna ng ibinahagi ni Diocese of Imus Bishop Reynaldo Evangelista – Chairman, CBCP Permanent Committee on Public Affairs na ang Espiritu Santo ay paalala na laging may maasahang tulong at lakas ang bawat isa mula sa Panginoon lalo na sa gitna ng mga pangamba at takot na nararanasan.

Ang Dakilang Kapistahan ng Pentekostes na pagdiriwang sa pagbaba ng Espiritu Santo sa mga Apostoles ay ginugunita limampung araw o ikapitong Linggo makaraan ang muling pagkabuhay ni Hesuskristo na siya ring hudyat ng pagtatapos ng Easter Season o Panahon ng Pasko ng Muling Pagkabuhay at pagsilang ng Simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 4,041 total reads

 4,041 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 42,199 total reads

 42,199 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 268,470 total reads

 268,470 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 161,935 total reads

 161,935 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 255,748 total reads

 255,748 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top