Kalikasan at ang mga Syudad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 769 total reads

Isa sa mga mahahalagang bagay na naisasantabi dahil sa mabilis na urbanisasyon ng maraming mga lugar sa ating bansa ay ang kalikasan. Ang mga syudad sa atin ay kadalasan nagiging kongkreto – mga lugar kung saan halos wala ng puno at halaman, mainit, madumi, at masikip. Ang urbanisasyon ay karaniwang simbolo ng kaunlaran, pero bakit tila mas mahirap ang itsura ng maraming lungsod sa atin kahit na laganap na ang urbanisasyon sa mga lugar na ito?

Ayon sa opisyal na datos, ang Pilipinas ay mayroong tatlumput-tatlong highly urbanized cities (HUCs). Labing-anim dito ay nasa National Capital Region (NCR), habang labing-pito naman ang nasa labas ng NCR.

Ang mga syudad na ito, kapanalig, ay kumpulan ng mga tao. Ang lebel ng urbanisasyon natin base sa datos noong 2015 ay ay nasa 51.2 percent na. Ibig sabihin nito, kapanalig, mahigit pa sa kalahati ng ating populasyon ay nakatira na sa mga urban areas. Sa dami natin, kapanalig, hindi ba’t nakakalungkot na marami sa ating nakatira sa mga lungsod ay halos nakakulong sa concrete jungle, kung kailan minsan, nakakasulasok na ang hangin, sobra na ang pagbabaha kapag tag-ulan, at sobra naman ang init kapag tag-araw.

Nawala na ang mga luntiang espasyo sa ating paligid. Nabawasan na rin ang diversity ng ating kalikasan. Pati mga sakahan, bawas na rin. Tama ba ang direksyon ng urbanisasyon sa ating bayan?

Kapanalig, mas lalawig pa ang urbanisasyon sa bansa, kaya tama lang na ating pagnilayan ang direksyong tinatahak nito sa ating bansa. Itong mga nakalipas na dekada, mabilis ang pag-unlad ng mga syudad sa bansa, pero, ang maayos na pagpaplano at paglalatag ng mga kalunsuran, nawaglit natin gawin. Naging driver o tagapaktulak man ng kaunlaran ang mga syudad, maari naman itong mabalagtigdad sa kalauan dahil kapag hindi natin naiplano ang sustainability ng mga syudad, maaring magdulot pa ito ng kahirapan hindi lamang sa mga urban areas, kundi sa buong bansa.

Kaya’t napaka-halaga na ating pagtuunan ng pansin ang maayos, inklusibo, at sustainable na urbanisasyon sa bansa. Kapag nagawa natin ito, hindi lamang luntiang espasyo ang ating maibibigay sa mga mamamayan, kundi mas maatas na kalidad ng buhay. Kapag nagawa natin ito, ang pagiging inklusibo ng ating mga syudad ay hindi lamang ukol sa tao at sa kahirapan nito, kundi pati ang kalikasan at ang ugnayan nito sa kalidad ng buhay ng mga tao.

Kapanalig, ang maayos na urbanisasyon ay bahagi ng ating tungkulin bilang Katolikong Kristyano. Ayon sa Catholic Social Teachings, sa Caritas In Veritate, “The environment is God’s gift to everyone, and in our use of it we have a responsibility towards the poor, towards future generations and towards humanity as a whole.” Kapanalig, ituring natin na tunay na regalo, na tunay na biyaya ang kalikasan sa ating bayan sa pamamagitan ng pagpa-prayoridad ng kapakanan ng kalikasan sa ating pagsulong ng urbanisasyon sa bayan.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 59,728 total reads

 59,728 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 138,788 total reads

 138,788 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 172,233 total reads

 172,233 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 207,531 total reads

 207,531 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 431,636 total reads

 431,636 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 59,729 total reads

 59,729 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 138,789 total reads

 138,789 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 172,234 total reads

 172,234 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 207,532 total reads

 207,532 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top