Kalikasan at halalan.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,290 total reads

Ito ang pangunahing paksa na tinalakay sa dalawang araw na pagpupulong ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Ayon kay CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David napagkasunduan ng mga obispo sa bansa ang maigting na pagpapatupad sa ensiklikal ni Pope Francis na Laudato Si upang matugunan ang lumalalang suliranin sa kalikasan.

Binigyang-diin ng Obispo na hindi lamang usapin ng climate change ang umiiral sa kasalukuyan kundi climate crisis na labis nakababahala ang magiging epekto.

Inihalimbawa ni Bishop David ang coastal cities ng Malabon at Navotas na lantad sa panganib na epekto ng pagkasira ng kalikasan.

“Nababahala ako bilang obispo na sa loob ng ilang dekada maaaring lumubog ang mga coastal cities and that includes all other coastal town and cities sa paligid ng Manila Bay,” bahagi ng pahayag ni Bishop David.

Dahil dito naglabas ng pastoral statement ang CBCP na pinamagatang ‘A call of unity and action amid a climate emergency and planetary crisis’ upang bigyang kamalayan ang mamamayan sa labis na epekto ng pagkasira ng kapaligiran at mga hakbang na nararapat gawin upang mapanatiling maayos ang kaloob ng Panginoon na magandang kalikasan.

Napagkasunduan din ng CBCP ang pag-divest at hindi pagtanggap ng mga donasyon mula sa mga institusyong namumuhunan sa mga paraang makasisira sa kalikasan tulad ng coal, pagmimina, quarry at iba pa.

“Suriing mabuti at maging critical sa pagtanggap ng mga donasyon,” ani Bishop David.

Ibinahagi ng CBCP na maging pamantayan din sa pagbalangkas ng pastoral statement sa nalalapit na 2022 National and Local Elections ang paninindigan ng mga kandidato sa usapin ng kalikasan lalo’t isa ang Pilipinas sa may pinakamagandang mga batas patungkol sa pangangalaga ng kapaligiran subalit hindi maayos na naipatutupad.

Ayon kay Bishop David, ilalabas ng CBCP ang pastoral statement sa halalan bago matapos ang Pebrero kasabay ng pagsisimula ng pangangampanya ng mga kandidato sa national levels.

Pangungunahan naman ng CBCP Commission on Social Action Justice and Peace sa pamamagitan ng implementing body na NASSA/Caritas Philippines sa pamumuno ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang pagpapatupad ng mga programa tungkol sa kalikasan katuwang ang iba’t ibang environmental groups tulad ng Laudato Si Philippines movement.

Ang ika-123 CBCP Plenary Assembly na ginanap nitong January 28 at 29 ay isinagawa online dahil sa patuloy na banta ng pandemya dulot ng coronavirus disease.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 250,237 total reads

 250,237 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 281,950 total reads

 281,950 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 383,776 total reads

 383,776 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 424,337 total reads

 424,337 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 434,309 total reads

 434,309 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top