Kalinga sa karagatan, kalinga sa buhay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 626 total reads

Mga Kapanalig, kung may isang isyung dapat pagtuunan din ng pansin ng mga kumakandidato sa eleksyon, ito ay ang pagpapaunlad ng sektor ng pangisdaan.

Sa ngayon, maraming non-government organizations ang patuloy na tumutugon sa mga suliranin ng mga mangingisda. Isang halimbawa ng kanilang inisyatibo ang “Classroom for Fisherfolk”, isang learning series na inorganisa ng marine conservation group na Oceana Philippines. Layon nitong matulungan ang mga mangingisdang makita ang kagyat na pangangailangang mapabuti ang lumalalang kondisyon ng ating karagatan. Hangad ng proyektong palakasin ang hanay ng mga mangingisda sa pamamagitan ng higit na pag-unawa sa kanilang mga karapatan at responsibilidad, at ang kahalagahan ng kanilang partisipasyon sa pangangasiwa ng yaman sa ating karagatan.

At tunay nga namang napakayaman ng ating mga karagatan. Buháy na patotoo ang mga isda, bahura, at iba pang nilalang sa mga dagat ng Pilipinas ng pagmamahal ng Diyos noong “nilikha [Niya] ang mga dambuhala sa dagat at lahat ng bagay na nabubuhay sa tubig”, gaya ng matutunghayan natin sa Genesis 1:21-23. Biniyayaan din tayo ng magagandang isla at dalampasigang tanyag sa mga turista at nagsisilbing tirahan at nagbibigay ng kabuhayan sa mahigit 60% ng ating populasyon. Nakalulungkot nga lamang na lubhang naabuso na ang mga yaman ng ating karagatan. Nariyan ang illegal fishing kapwa ng mga komersyal at munisipal na mangingisda. May mga lugar na wala o kulang sa mga patakaran upang protektahan ang karagatan at upang masuportahan ang kabuhayan ng mga coastal communities. Kung mayroon mang mga regulasyon, hindi nababantayan at maayos na naiuulat ng mga awtoridad ang mga gumagawa ng iligal na pangingisda.

Ano ang resulta ng labis na pangingisda o pagsasawalambahala sa ating pangisdaan? Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (o BFAR), 10 sa 13 pangunahing lugar ng pangisdaan sa ating bansa ay halos nasaid na. Paunti nang paunti ang nahuhuli sa karagatan, kaya nawawalan ng kabuhayan ang maliliit na mangingisdang kasama sa mga itinuturing na pinakamahirap sa ating bayan. Noong 2018, nasa 26.2% ang tinatawag na poverty incidence sa mga mangingisda; ibig sabihin, isa sa apat na mangingisda ang kumikita ng mas mababa sa halagang sasapat upang maituring na hindi mahirap ang isang Pilipino. Hindi pa natin pinag-uusapan ang mga epekto ng climate change sa ating pangisdaan. Napakahirap mang mabigyan ng solusyon ang mga epekto ng climate change sa karagatan, maaaring pagtuunan ng pansin ng ating mga mangingisda ang pagbabantay sa mga mapang-abuso at mapaminsalang porma ng pangingisda.

Ito ang kalagayang nais tugunan ng mga kalahok sa proyektong “Classroom for Fisherfolk” ng Oceana Philippines. Kung dati-rati ay inakala ng mga komunidad ng mga mangingisdang walang hanggan ang kayamanan sa karagatan at katubigan sa Pilipinas, nalaman nilang hindi ito totoo, at napakalaki ng kanilang responsibilidad upang pangalagaan ang yaman ng ating mga karagatan. Ang pagpapayaman sa karagatan ay siyang magiging tulay sa pagpapalago ng kabuhayan ng mga mangingisda, ng kanilang pamilya, komunidad, at sektor, hindi lamang ngayon kundi sa mga darating pang henerasyon.

Mga Kapanalig, sa ensiklikal na Laudato Si’, ipinapaalala sa atin ni Pope Francis na ang ating mundo ay para nating kapatid. Ngunit tumatangis ang kapatid nating ito, dahil sa sakit na kanyang dinaranas dala ng ating mga iresponsable at mapang-abusong gawi sa kung paano natin pinakikinabangan ang mga biyayang ipinagkaloob sa atin ng Panginoon. Kaya naman, inaanyayahan din ang sangkatauhang magtika sa ating mga kasalanan sa kapatid nating ito. Hinding-hindi mapuputol ang ugnayan ng pagkalinga sa kalikasan, ng katarungan lalo na para sa mga mahihirap, ng pagtataya sa lipunan, at ng kapayapaan sa ating kalooban. Ang pagkalinga sa karagatan ay pagkalinga rin sa biyaya ng buhay.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 57,944 total reads

 57,944 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 137,132 total reads

 137,132 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 170,577 total reads

 170,577 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 205,875 total reads

 205,875 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 430,054 total reads

 430,054 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 57,945 total reads

 57,945 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 137,133 total reads

 137,133 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 170,578 total reads

 170,578 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 205,876 total reads

 205,876 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top