Mga simbahan sa Diocese of San Fernando, La Union, nagsilbing evacuation centers ng mga residenteng apektado ng Bagyong Maring

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 616 total reads

Lubos na apektado ng pananalasa ng Bagyong Maring ang hilagang bahagi ng La Union.

Ayon kay Fr. Gari Patiag, Social Action director ng Diocese of San Fernando, higit na apektado ng bagyo ang mga bayan ng Sudipen, Bangar, Balaoan, Luna, Bacnotan at San Juan.

“Ang mostly hit ay northern part ng La Union ‘yung malapit na sa Ilocos Sur… Of course, as I’ve said, pati na rin ‘yung second district niya, merong ‘yung mga apektado rin, entire La Union kumbaga,” pahayag ni Fr. Patiag sa panayam ng Radio Veritas.

Dahil naman sa puno na ang ilang evacuation centers, nagbukas naman ang ilang simbahan para magsilbing pansamantalang matutuluyan ng mga apektadong residente.

“Meron ‘yung mga pumunta sa church na dun sila pumwesto na kasi punung-puno na ‘yung evacuation centers. At saka ‘yung mga ibang evacuation centers naman ay nabaha rin kaya tumingin na lang sila ng ibang pwedeng mapuntahan. Inopen naman ang mga churches sa mga part na ‘yun just like in Luna, Bangar, Balaoan and even San Juan,” ayon sa pari.

Sinabi rin ni Fr. Patiag na karamihan sa mga residente ang nahirapang magsilikas dahil sa pagbaha sanhi ng mabilis na pagtaas ng tubig sa mga ilog.

“Sabi ng karamihan, napakabilis talagang tumaas ng tubig. Everybody caught unaware. They’re not expecting yung tubig. Napakabilis talaga na tumaas… Kasi ang lawak ng radius ni [Bagyong Maring], ‘yung mga tubig galing sa bundok d’yan sa Cordillera part at Benguet syempre bababa lahat ‘yan dito,” ayon kay Fr. Patiag.

Maliban sa mga pag-uulan, posible ring sanhi ng pagbaha ang pagpapakawala ng tubig mula sa Ambuklao at Binga dam sa Benguet.

Samantala, nakahanda na rin ang diyosesis sa pagsasagawa ng relief operations bilang tugon sa mga pangunahing pangangailangan ng mga higit na apektado ng sakuna.

Gayunman, panawagan pa rin ni Fr. Patiag ang panalangin at karagdagang tulong na sasapat para sa mga nasa evacuation centers.

Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, umabot na sa mahigit 4,528 pamilya o 19,147 indibidwal ang lubos na naapektuhan ng Bagyong Maring.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 2,253 total reads

 2,253 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 4,214 total reads

 4,214 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 12,283 total reads

 12,283 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 49,661 total reads

 49,661 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 80,932 total reads

 80,932 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 157,697 total reads

 157,697 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 251,346 total reads

 251,346 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 73,317 total reads

 73,317 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top