Kalinga sa mga apektado ng pandemya, tinitiyak ng Simbahang Katolika

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,575 total reads

Tinitiyak ng mga tagapamuno ng Simbahang Katolika sa Pilipinas na mararamdaman ng mga naapektuhan at naghihirap sa malawakang pangkalusugang pandemya ang presensiya ng Simbahan.

Ayon kay Rev. Fr. Ronaldo Santos, Director ng Caritas Cubao, mas kailangan ngayon ng mamamayan ang presensya ng Simbahan lalo na’t marami ang nawalan ng hanapbuhay at mapagkukunan ng mapagkakakitaan dahil sa mga ipinatutupad na quarantine measures at patuloy na banta ng COVID-19.

“Napakahalaga ng presensya ng Simbahan ngayong panahon ng pandemya bilang sanhi ng lakas at pag-asa ng mga tao,” mensahe ni Fr. Santos sa Radyo Veritas.

Aminado ang Pari na dahil sa banta ng Delta Variant sa bansa ay kinakailangan ng ibayong pag-iingat ngunit hindianiya ito dapat maging dahilan upang hindi kumilos ang Simbahan sa pagtulong sa kapwa.

“Yes kailangan ng physical distancing pero hindi tayo dapat lalayo lalo na sa pangangailangan ng mga tao” dagdag pa ng Pari.

Ganito rin ang paniniwala ni Malolos Social Action Director, Rev. Fr. Efren Basco, patungkol sa tungkulin ng Simbahan ngayong muling nagbabanta ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Fr. Basco, dapat na patuloy na magbigay ng inspirasyon at pag-asa ang Simbahan sa mga nakakaranas ng paghihirap dulot ng pandemya.

“Mahalaga ang gampanin ng Simbahan. Sa gitna ng dilim at kawalan ng pag asa dulot ng purol na pamumuno ng ilang kawani ng ating gobyerno. Simbahan ang puntahan ng mga tao na kahit papaano maramdaman nila na hindi sila pinababayaan ng Diyos, maramdaman nila na may pag asa at mabuksan ang isipan nila na hindi lang tayo dapat manatili sa sasabihin ng iba kundi gumawa ng paraan at gawin ang kalooban ng Diyos,” pahayag ng Pari mula sa lalawigan ng Bulacan.

Magugunitang muling itinaas sa Enhanced Community Quarantine ang Metro Manila habang may mahigpit din na pagbabantay sa mga lumalabas at pumapasok sa kabisera ng bansa.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay umakyat na sa 12, 021 ang karagdagang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, ang pinakamataas sa nakalipas na 4 na buwan.

Patuloy naman ang mga ginagawang pamimigay ng ayuda ng iba’t-ibang organisasyon at parokya ng Simbahang Katolika hindi lamang sa Metro Manila kundi maging sa iba’t-ibang lalawigan.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 14,871 total reads

 14,871 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 73,301 total reads

 73,301 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 158,668 total reads

 158,668 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 205,404 total reads

 205,404 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 253,275 total reads

 253,275 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 353,663 total reads

 353,663 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 113,558 total reads

 113,558 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top