Makakadalo ng pisikal sa mga simbahan, nilimitahan ng Archdiocese of Cebu

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 699 total views

Nilimitahan ng Archdiocese of Cebu ang bilang ng mananampalataya na makadadalo ng pisikal sa mga simbahan dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus sa lalawigan.

Sa abiso na inilabas ng arkidiyosesis binigyang diin nito ang pagsunod sa alituntuning ipinatutupad bilang pag-iingat at pakikiisa sa kampanyang labanan ang pagdami ng kaso ng mga nahawaan.

“Due to the continuing rise of CoVid cases in Cebu City and on the threat posed by the deadly Delta variant, please be informed that effective today, August 11, 2021, we only limit our religious gatherings at 10% of our respective churches’ capacity,” bahagi ng pahayag ng arkidiyosesis.

Paalala nito sa mga parokya na mahigpit ipatupad ang safety health protocol sa mga dadalo ng misa upang maiwasan ang pagkahawa.

Ipinagbabawal din ng arkidiyosesis ang pagsagawa ng banal na misa sa mga kapilya habang nililimitahan naman sa immediate family members ang makadadalo sa funeral masses.

Sa tala ng Department of Health Central Visayas noong Agosto 10 umabot sa 331 ang nahawaan sa Cebu City dahilan upang makamit ang kabuuang 3, 813 cases habang ang Cebu province naman ay nakapagtala ng 280 bagong kaso kaya’t umabot na sa 4, 487 ang kabuuang kaso ng mga nahawaan sa lalawigan.

Tiniyak ng arkidiyosesis ang pakikiisa sa kampanyang labanan ang pandemya sa pamamagitan ng pagsunod at paghimok sa mamamayan na maging bahagi ng solusyon sa naranasang krisis pangkalusugan.

“We can always be part of the continuing Information, Education and Communication efforts by impowering our lay leaders to be involved in educating the faithful on the seriousness of the pandemic threat as well as on encouraging everyone to do their share in keeping the community safe and sound,” dagdag pa ng archdiocese.

Sa mga parokya naman ng Cebu province sa ilalim ng modified enhanced community quarantine ay maaring ipatupad ang 10 hanggang 30 poryentong kapasidad batay sa alintuntunin ng lokal na pamahalaan.

Hinimok ng akidiyosesis ang bawat mananampalataya na magkaisang manalangin at lumuhog sa Diyos upang mawakasan na ang krisis na dulot ng COVID-19.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 55,810 total views

 55,810 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 88,892 total views

 88,892 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 117,243 total views

 117,243 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 184,975 total views

 184,975 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 204,244 total views

 204,244 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top