Pangulong Duterte, pinagpapaliwanag ng NAGKAISA labor coalition

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 636 total reads

Pinagpaliwanag ng grupo ng manggagawa ang Pangulong Rodrigo Duterte sa limang taong panunungkulan sa bansa.

Ito ang panawagan ng NAGKAISA Labor Coalition hinggil sa nalalabing isang taon ng punong ehekutibo sa paninilbihan sa Pilipinas.

Iginiit ng grupo na dapat magbigay ng wastong pag-uulat ang Pangulong Duterte sapagkat mahalagang malaman at pananagutan ito ng pangulo sa mga Filipino.

“After five years in office, the Duterte administration needs to make public accounting as “public office is a public trust”,” pahayag ng NAGKAISA.

Binigyang diin ng grupo na mas naipamalas ng kasalukuyang administrasyon ang madugong kampanya kontra ipinagbabawal na gamot na ikinasawi ng humigit kumulang 30, 000 libong indibidwal na pawang biktima ng extra-judicial killings mula noong 2016.

Bukod pa rito ang 56 na mga union leaders na nasawi sa nakalipas na limang taong panunungkulan ng pangulo kung saan pinakahuling biktima ang mag-asawang Marlon at Fe Ornido na kapwa urban poor leaders at kasapi ng Sentro ng Progresibo at Nagkakaisang Manggagawa (SENTRO).

“NAGKAISA condemns these killings and calls on authorities to expedite their investigation and inform the public on the results of such investigations,” ani ng grupo.

Tinuran din ng NAGKAISA ang bigong pagtupad ng Pangulong Duterte sa ipinangakong wakasan ang kontraktuwalisasyon at ang pag-veto nito sa Security of Tenure Bill na kapwa pasado sa dalawang kapulungan ng kongreso.

Anila, humihina ang kalidad ng trabaho sa bansa at pamamayagpag ng mapanamantalang uri ng pagtrato sa mga manggagawa tulad ng endo, contractual arrangements and part-time jobs, low-pay elementary occupations, at self-employment.

Mas higit pang lumala ang naranasan ng sektor ng paggawa dahil sa COVID-19 pandemic kung saan milyun-milyong mga manggagawa ang nawalan ng trabaho dahil sa pagkalugi ng mga negosyo.

“During the recent CoVID 19 pandemic, highlighted is the poor pandemic response of the Duterte administration which left millions of workers jobless; NAGKAISA observes that Jobs that were lost have not yet returned to their pre-pandemic level as the economy remains in a deep recession,” saad pa ng NAGKAISA.

Gayunpaman, kinilala ng grupo ang mabuting nagawa ng administrasyon tulad ng pagsasabatas ng Universal Health Insurance, Free Tertiary Education (including technical and vocational training) at ang batas na Tulong sa Trabaho bilang suporta at pagbibigay pagsasanay sa mga manggagawa.

Iginiit ng grupo na sa nakalipas na limang taon ng administrasyon kulang na kulang ang mga nagawa nito upang mapaunlad ang bansa at paunlarin ang buhay ng mamamayan.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 14,895 total reads

 14,895 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 73,345 total reads

 73,345 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 158,712 total reads

 158,712 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 205,448 total reads

 205,448 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 253,319 total reads

 253,319 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 353,702 total reads

 353,702 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top