Diocese of Mati, ligtas sa naranasang 7.1 magnitude na lindol; Bishop Apigo, nagpapasalamat sa Panginoon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 605 total views

Ligtas at walang naitalang malaking pinsala sa Diocese ng Mati, Davao Oriental matapos maganap ang 7.1 magnitude earthquake kaninang madaling araw.

Nagpapasalamat si Mati Bishop Abel Apigo na bagamat malakas ang lindol ay wala naman itong idinulot na pinsala at panganib sa mga residente maging sa mga istruktura ng simbahan.

“Nag-update ang governor sa province at City Mayor ng Mati, sa awa ng Diyos wala namang big damages. So most probably nasa Pacific Ocean ang epicenter… Pinacheck namin ang mga simbahan, wala namang damages,” bahagi ng pahayag ni Bishop Apigo sa panayam ng Radio Veritas.

Samantala, dalangin naman ng Obispo na nawa’y patuloy na gabayan ng Panginoon ang bawat isa upang maligtas sa mga sakuna lalo na sa mga nagaganap na pagyanig.

“We continue to pray for the safety of our people as we experience here in Mati the heavy earthquake, 7.1 magnitude. We pray and thank the Lord that everyone is safe and there are no major damages. And we continue to implore the Lord to always keep us safe and under the mantle of his protection,” panalangin ni Bishop Apigo.

Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang 7.1 magnitude na lindol sa Davao Oriental nitong madaling araw ng Huwebes, kung saan naramdaman ang intensity IV sa Davao City.

Wala namang naitalang banta ng tsunami sa bansa, ngunit paalala ng PHIVOLCS na manatiling handa ang publiko sa posibleng epekto ng aftershocks.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 52,951 total views

 52,951 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 86,033 total views

 86,033 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 114,384 total views

 114,384 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 182,116 total views

 182,116 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 201,561 total views

 201,561 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top