Jaro Archbishop Romeo Lazo, nagpapagaling sa ospital matapos magpositibo sa COVID 19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 567 total views

Kasalukuyang nagpapagaling sa ospital si Jaro Archbishop Jose Romeo Lazo matapos na magpositibo sa coronavirus disease nitong Agosto 5.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Fr. Angelo Colada, Social Communications Director ng Arkidiyosesis, agad na sumailalim sa swab testing ang Arsobispo matapos itong makaramdam ng mild symptoms.

Pinaghihinalaang nakuha ito ni Archbishop Lazo sa kanyang personal driver dahil nag-positibo rin ito sa virus batay sa isinagawang contact tracing.

“Among the 14 na na-contact trace and mostly mga pari ito, ‘yung iba sa seminary and ‘yung ibang staying with him in the Archbishop’s residence, they are all tested negative, except his driver,” bahagi ng pahayag ni Fr. Colada sa panayam ng Radio Veritas.

Gayunman, ligtas ang Jaro Metropolitan Cathedral para sa mga mananampalatayang nais na dumalo sa mga banal na pagdiriwang sapagkat patuloy na ipinapatupad sa loob ng katedral ang minimum health protocols bilang proteksyon sa banta ng COVID-19.

Hinihiling naman ni Fr. Colada na patuloy na isama sa mga panalangin ang agarang paggaling ni Archbishop Lazo laban sa virus.

Magugunitang noong Marso 15, 2021, si Archbishop Lazo ang kauna-unahang Arsobispo sa bansa na nakatanggap ng COVID-19 vaccine.

Si Archbishop Lazo na ang ika-12 Obispo sa bansa na nahawaan ng COVID-19, kung saan ang pinakahuli ay si San Carlos Bishop Gerardo Alminaza na ngayo’y magaling na sa virus.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 54,558 total views

 54,558 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 50,427 total views

 50,427 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 86,629 total views

 86,629 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 95,103 total views

 95,103 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 119,863 total views

 119,863 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top