Kalusugan ng baga, huwag balewalain

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,408 total reads

Pinaalalahanan ni Dr. Randy Joseph Castillo, concurrent officer-in-charge ng Emergency Medicine and Out Patient Department ng Lung Center of the Philippines, ang publiko huwag balewalain ang kalusugan ng baga at mga sintomas ng posibleng malubhang sakit.

Ayon kay Dr. Castillo, ang baga ang responsable sa pagdadala ng oxygen at pagtanggal ng carbon dioxide sa katawan, na kapag napabayaan, maaaring humantong sa matinding problema sa paghinga na magdudulot ng panganib sa buhay.

“Kapag mahina ang ating baga, hindi magiging sapat ang ating oxygen sa katawan. Kung walang sapat na oxygen, isang common na sintomas ay hirap sa paghinga at pagsikip ng dibdib,” ayon kay Dr. Castillo sa panayam sa programang Barangay Simbayanan.

Binigyang-diin ng dalubhasa ang pagiging mapagmatyag sa mga sintomas tulad ng ubo na tumatagal nang higit dalawang linggo, paulit-ulit na pag-ubo sa loob ng nakalipas na buwan, hirap sa paghinga, paninikip ng dibdib, at pag-ubo ng dugo.

Iminungkahi ni Dr. Castillo ang regular na paggamit ng pulse oximeter para sa masukat ang oxygen saturation level ng katawan, lalo na sa mga may iniindang sakit sa baga o puso.

“Kapag walang history ng pananakit o anumang karamdaman, ang pinaka-ideal na pulse oximeter reading ay 94 percent above. Acceptable pa ang 90 plus, pero kung bumaba na ito ng less than 90, dapat magpatingin na sa doctor,” babala ni Dr. Castillo.

Batay sa tala ng Department of Health (DOH), kabilang ang pneumonia, tuberculosis (TB), at lung cancer sa mga nangungunang sanhi ng pagkakasakit at pagkamatay sa bansa.

Mariin namang ipinagbabawal ni Dr. Castillo ang paninigarilyo, maging ito’y tradisyunal o e-cigarettes, dahil pareho itong nakasasama sa baga at nagdudulot ng long-term damage ang nicotine at iba pang kemikal mula sa usok.

Ayon sa DOH, humigit-kumulang 87,000 Pilipino ang namamatay kada taon dahil sa mga sakit na may kaugnayan sa paninigarilyo.

“Sa mga sakit sa baga, maaaring hindi lang kayo ang biktima kundi pati pamilya, kaibigan, at mga kasama sa bahay,” ayon kay Dr. Castillo na tinutukoy ang epekto ng second-hand smoke.

Samantala, ibinahagi ni Dr. Castillo na handa na ang Lung Center of the Philippines para sa kauna-unahang lung transplant sa bansa ngayong taon.

Aniya, mahigpit ang screening process para sa parehong pasyente at donor upang matiyak ang matagumpay na operasyon at mabilis na paggaling.

“Ang maipagmamalaki natin ay equipped na ang Lung Center of the Philippines para sa kauna-unahang transplant sa Pilipinas… We are hoping na ngayong taon ay magagawa natin ang kauna-unahang transplant,” ayon kay Castillo.

Paalala naman ni Dr. Castillo sa publiko upang mapangalagaan ang baga ay iwasan ang paninigarilyo at second-hand smoke; magpabakuna laban sa pneumonia at flu; iwasan ang matinding polusyon at panatilihing malinis ang kapaligiran; at magpatingin agad kapag may sintomas tulad ng matagal na ubo, pananakit ng dibdib, o hirap sa paghinga

“Prevention is better than cure. Protektahan ang sarili laban sa polusyon, panatilihing maaliwalas ang paligid, at huwag balewalain ang mga sintomas,” paalala ni Dr. Castillo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 51,277 total reads

 51,277 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 130,879 total reads

 130,879 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 164,326 total reads

 164,326 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 199,624 total reads

 199,624 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 424,108 total reads

 424,108 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 156,987 total reads

 156,987 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top