Kapabayaan ng mga mayayamang bansa na tugunan ang climate crisis, binatikos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

Kinondena ng Asian Peoples’ Movement on Debt and Development (APMDD) ang kakulangan ng pamahalaan ng mga mayayamang bansa na makapaglaan ng pondo sa pagtugon sa climate crisis.

Ayon kay APMDD coordinator Lidy Nacpil, dapat panagutan ng mga mayayamang bansa ang nangyayaring krisis sa klima at pagtuunan ang paglalaan ng pondo sa pagsasaayos at pangangalaga ng kapaligiran.

“We demand from COP27 and the G20 summit the delivery of adequate, grants-based, and accessible climate finance, the establishment of a loss and damage fund, as well as reparations for the climate debt owed by rich countries to the Global South.” bahagi ng pahayag ni Nacpil.

Iginiit ni Nacpil na mas pinagtutuunan pa ng pamahalaan ang pagsuporta at pamumuhunan sa mga korporasyong nagdudulot ng labis na panganib at paghihirap sa kalikasan at mamamayan.

“Climate finance should be provided as grants based on climate debt, not another opportunity for rich countries and corporations to profit from poor and vulnerable countries.” ayon kay Nacpil.

Hiling ng opisyal na nawa ang isinasagawang COP27 climate summit sa Egypt at G20 Summit sa Bali, Indonesia ay maging makabuluhan at makalikha ng mga konkretong pagtugon sa kinakaharap na krisis sa klima at ekonomiya ng buong mundo.

Batay sa 2022 Adaptation Gap Report na unang inilabas bago ang COP27 Summit, nagkakahalaga ang pondo para sa annual adaptation ng $160 billion hanggang $340 billion sa katapusan ng dekada, at hanggang $565 billion naman sa 2050.

Ang ulat ay upang ipabatid ang pangangailangan para dagdagan ang pondo at pagpapatupad ng mga pagtulong para sa mga mahihinang bansa at pamayanan na makaangkop sa lumalalang climate emergency.

Nauna nang nanawagan ang Kanyang Kabanalan Francisco na ipanalangin ang mapayapa at makabuluhang pagdaraos ng COP27 at G20 Summit upang makalikha ng mga epektibong plano upang mapigilan ang tuluyang pagkasira ng daigdig.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang kalikasan ay may karapatan

Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas kundi isang

Read More »

Patibong ng kasamaan

Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay nagkukunwaring anghel

Read More »

Anyare sa ICI?

Mga Kapanalig, mahigit anim na buwan mula nang itatag ang Independent Commission for Infrastructure (o ICI), inanunsyo na ang pagbuwag nito sa darating na Martes,

Read More »

SYNODALITY

Synodality is the process and style of the Church’s life in which all members journey together, participate actively, and discern collectively in mission and governance.

Read More »

SOBRANG LUGMOK NA ANG MGA PINOY

Sa kasalukuyan, hindi na makakaagapay ang milyun-milyong Pilipino., lugmok na lugmok na! Sa nakalipas na buwan ng Pebrero 2026, hirap na hirap na ang mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top