Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kapag umimik ang taumbayan

SHARE THE TRUTH

 390 total views

Mga Kapanalig, hindi man aminin ng mga mambabatas na nagsusulong ng Maharlika Wealth Fund, nakaimpluwensya ang ingay na nilikha ng mga tumututol dito upang palitan ang ilang probisyon ng kanilang panukalang batas. Dahil sa matinding reaksyon ng mga miyembro ng SSS at GSIS na planong pagkunan ng malaking pondo para sa kontrobersyal na pondo, inalis na ang mga ahensiyang ito na inaasahang mag-ambag ng 175 bilyong piso sa kabuuang 275 bilyong sovereign wealth fund. Nangangamba kasi ang mga kasapi ng SSS at GSIS na gagamitin ang kanilang kontribusyon at inaasahang pensyon.

Sa maikling pagpapaliwanag, ang Maharlika Wealth Fund ay isang seed capital o pondong lilikumin mula sa iba’t ibang bangko ng pamahalaan upang ilagak o i-invest sa malalaking national development projects at iba pang assets. Ang kikitain mula sa mga investments na ito ay idadagdag naman sa kaban ng bayan na pagmumulan ng badyet para sa iba’t ibang programa at proyekto ng gobyerno. Kulang na kulang daw kasi ang ating pera upang tustusan ang mga gastusin ng pamahalaan. Pag-amin pa ni Albay Representative Joey Salceda, “utos ng pangulo” ang pagtatatag ng Maharlika Wealth Fund. Mabilis namang naghain ng panukalang batas ang kanyang pinsan at anak sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

At dahil nga sa pagtutol ng marami sa pag-obliga sa SSS at GSIS na maglagak ng pera sa Maharlika Wealth Fund, tila ba tumiklop ang mga mambabatas sa nagsusulong nito. Ang Land Bank of the Philippines, Development Bank of the Philippines, at Bangko Sentral ng Pilipinas na lamang ang bubuo ng start-up capital. Gayunman, patuloy pa rin ang pagtutol ng marami sa Maharlika Wealth Fund dahil hindi raw ito napapanahon. Baon ang ating gobyerno sa utang. Ang dapat daw ginagawa muna ng gobyerno ay tiyaking masinop ang paggamit nito ng pera ng bayan para sa mga pampublikong serbisyo. Kaya naman, hindi sana matapos ang ating pagbabantay sa Maharlika Wealth Fund.

Ganito rin sana ang ating gawin sa iba pang isyu sa ating bayan. Bagamat nakakapagod ito, nakita naman natin sa isyu ng Maharlika Wealth Fund kung ano ang nangyayari kapag umiimik ang taumbayan. Maaaring may ibang mabibigat pang dahilan sa likod ng pagbabago ng isip ng mga nagsusulong ng nasabing pondo, ngunit dahil marami ang nag-react at marami ang nagsalita, hindi natin maikakailang marami sa atin ang naalarma sa posibilidad na magalaw ang ating kontribusyon sa SSS at GSIS. Ito ang pumukaw sa maraming magkaroon ng interes tungkol sa panukalang batas na ito at, sa abot ng kanilang makakaya, magbahagi ng ating opinyon at saloobin.

Ang pag-imik natin sa isyu ng Maharlika Wealth Fund ay isang magandang pahiwatig na may interes pa rin tayo sa mga ginagawa ng ating mga inihalal sa gobyerno. Isa rin itong hakbang sa pagkakaroon ng pakialam at pakikibahagi sa gobyerno—o participation sa Ingles—bagay na sinasabi sa Catholic social teaching na Pacem in Terris ay naaayon sa ating dignidad. At kapag nagsasalita tayong mga mamamayan sa mga isyung nakaaapekto sa atin, nakikilahok tayo sa pagsusulong ng kung ano ang makabubuti sa lahat o sa common good, isa pang prinsipyo ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan.

Mga Kapanalig, maging si Hesus ay hindi nanahimik sa harap ng mga mali sa Kanyang panahon. Paalala naman sa Efeso 5:16, “Gamitin ninyo nang lubusan para sa mabuti ang bawat pagkakataon, sapagkat puno ng kasamaan ang kasalukuyang panahon.” Nababalot ang ating bayan ng kasamaan at kasakiman, at matatalo tayo nito kung hindi tayo iimik, kung hindi tayo magsasalita, kung hindi tayo kikilos. Muli, hindi ito madali, ngunit kapag may mga pagkakataon tayong punahin ang mali at ituwid ang baluktot, manalig tayong unti-unti, may mabuting pagbabagong mangyayari.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 5,955 total views

 5,955 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 13,436 total views

 13,436 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 26,576 total views

 26,576 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 32,549 total views

 32,549 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 38,303 total views

 38,303 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 5,956 total views

 5,956 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 13,437 total views

 13,437 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 26,577 total views

 26,577 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 32,550 total views

 32,550 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 38,304 total views

 38,304 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 40,491 total views

 40,491 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 41,575 total views

 41,575 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 36,956 total views

 36,956 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 48,960 total views

 48,960 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 57,002 total views

 57,002 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 48,559 total views

 48,559 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 46,984 total views

 46,984 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 48,770 total views

 48,770 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 45,695 total views

 45,695 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 60,009 total views

 60,009 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top