Kapakanan ng OFWs, tututukan ng Diocese of Balanga

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,891 total reads

Magtatalaga ng migrants desk ang Diocese of Balanga sa bawat parokyang kinasasakupan upang higit na matutukan ang kalagayan ng mga Overseas Filipino Workers at suportahan ang mga naiwang pamilya sa bansa.

Ito’y sa pamamagitan ng bagong tatag na Diocesan Migrants Ministry sa pangunguna ng kauna-unahang direktor nito na si Canossian Father Antonio Germano, na siya ring kasalukuyang Parochial Vicar ng Saint Josephine Bakhita Parish sa Tala, Orani, Bataan.

Ayon kay Fr. Germano, ang migrants desk ang magiging unang proyekto at programa ng migrants ministry ng diyosesis upang mas mapagtuunan at masuportahan ng simbahan ang mga migrante at OFW lalo’t higit ang pangangailangan ng mga naiwang pamilya.

“Our first step is to form the migrant desk in all the parishes and then after that we will make a module. Then discuss what will be our next activities but, it depends on our co workers, not only me. All of us will work together,” pahayag ni Fr. Germano sa panayam ng Radio Veritas.

Nagpapasalamat naman ang pari sa biyaya at tiwalang ipinagkaloob ng diyosesis, lalo na kay Bishop Ruperto Santos, upang paglingkuran ang panibagong ministri na tutugon sa pangangailangan at magpapahalaga sa misyon ng mga migrante sa ibang bansa.

Pagbabahagi ni Fr. Germano, karaniwang misyon ng Canossian Fathers sa Pilipinas ang gabayan ang mga youth ministry ngunit noong 2019 ay iniatas na rin sa kongregasyon ang migrante at OFW.

Nangako naman ang direktor na makikipagtulungan ang ministri sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang maipagpatuloy at mas mapaigting ang magandang layunin ng diyosesis para sa mga naghahanapbuhay sa ibayong dagat.

“We will see what we can do to answer to the needs of our OFW family here and in Bataan, especially. So we will connect ourselves with the government agencies so that we can work together,” ayon kay Fr. Germano.

Si Fr. Germano na isang Italian Canossian missionary ay 15 taon nang nagmi-misyon sa Pilipinas at apat na taon nang naglilingkod sa Diyosesis ng Balanga magmula nang ordinahan bilang pari.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 14,422 total reads

 14,422 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 99,295 total reads

 99,295 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 193,626 total reads

 193,626 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 255,312 total reads

 255,312 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 300,512 total reads

 300,512 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 209,824 total reads

 209,824 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top