Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Karapatang pantao, hindi dapat alisin sa war on drugs

SHARE THE TRUTH

 473 total views

Hindi nararapat na isasantabi ang paggalang sa karapatang pantao sa pagsugpo ng ilegal na droga sa bansa.

Ito ang paninindigan ni Father Jerome Secillano, executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Permanent Committee on Public Affairs sa isinusulong na suspension ng writ of habeas corpus.

Ayon kay Father Secillano, pinaniniwala ng gobyerno ang mga tao na ang tanging daan upang matugunan ang problema sa ilegal na droga sa bansa ay sa pamamagitan ng pag-aalis ng ating depensa laban sa mga pang-aabuso at impunity.

“Have we run out of effective options to combat the drug problem that we are going to give up our human rights? We are being made to believe that the only way to address the drug problem is to take away our only defense against possible abuses and impunity. While we recognize the menace that drugs have brought to our society, does that justify surrendering our basic rights just so they can put the country in order?” pahayag ni Father Secillano sa Radio Veritas.

Iminungkahi ng pari sa pamahalaan na resolbahin ang problema ng bansa sa ilegal na droga sa pamamagitan ng legal na paraan, pagsasaalang sa tama, makatwiran at makatarungang pamamaraan.

“Let’s do things not only the legal way, but let’s also employ the right, just and ethical means to solve our problems,”pahayag ni Father Secillano sa Radio Veritas.

Isa sa dahilan ng pagsusulong ng suspension ng writ of habeas corpus sa Senado ay para palawakin pa ang sakop ng idineklarang national state of emergency kasunod ng Davao bombing at patuloy na pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na dorga.

Sa datos ng Commission on Human Rights as of August 31, 2016 ay pumalo na sa 2,448 ang nasawi sa war on drugs ng pamahalaan.

Sa nasabing bilang, 930-katao ang napatay sa lehitimong police operations habang 1,507 ang napatay ng hindi pa kilalang attackers at 10-police naman ang namatay sa drug operations.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 21,306 total views

 21,306 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 29,406 total views

 29,406 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 47,373 total views

 47,373 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 76,487 total views

 76,487 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 97,064 total views

 97,064 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Politics
Riza Mendoza

Go beyond politics

 7,062 total views

 7,062 total views Nanawagan si Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on the Laity Chairman at Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo sa pamahalaan na

Read More »
Politics
Riza Mendoza

Due process, ibigay kay de Lima

 6,387 total views

 6,387 total views Mabigyan ng due process o patas na paglilitis. Ito ang mensahe ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas matapos arestuhin sa Senado si Senador Leila

Read More »
Politics
Riza Mendoza

LAIKO, nanindigan sa Death penalty

 6,534 total views

 6,534 total views Umaapela ang Sanguniang Laiko ng Pilipinas sa Kongreso na huwag payagang maibalik ang death penalty sa bansa. Sa ipinalabas na pormal na pahayag

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top