Kasapi ng I-N-C, hinamon ng Obispo na manindigan sa katotohanan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,099 total reads

Hinamon ni Novaliches Bishop Emeritus Antonio Tobias ang mga kasapi ng Iglesia ni Cristo na manindigan sa katotohanan para sa ikabubuti ng bayan.

Ito ang apela ng obispo kasunod ng pag-endorso ng pamunuan ng I-N-C sa kandidatura nina Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. bilang pangulo at Davao City Mayor Sara Duterte bilang pangalawang pangulo.

Ayon sa obispo bagamat kilala sa bloc voting ang grupo mahalagang sundin ng mga kasap ang konsiyensya at ihalal ang mga kandidatong nagtataglay ng katangian ng isang mabuting lider.

“Yan naman talaga ang gawa ng I-N-C mag-endorse; para sa akin power bloc under the clothe of religion sila so magpakatotoo sana ang I-N-C this time yan ang challenge ko sa kanila, sundin ang konsiyensya,” pahayag ni Bishop Tobias sa Radio Veritas.

Apela ni Bishop Tobias sa mamamayan lalo na sa 67-milyong botante na pagnilayang mabuti ang pagpili ng mga lingkod bayan para sa kapakinabangan ng bawat isa lalo na ang susunod na henerasyon.

Bagamat batid ng obispo ang bloc voting ng I-N-C naniniwala pa rin ito sa mga Pilipinong pipili ng lider na may kakayahang mamuno at may malinis na track record sa pamamahala sa bayan.
Sa datos humigit kumulang sa tatlong milyon ang mga kasapi ng I-N-C sa buong mundo kung saan naniniwala si Bishop Tobias na hindi ito lahat rehistrado upang makalahok sa halalan o tinatayang dalawa hanggang tatlong porsyento lamang ito sa 67-milyon rehistradong botante.

Patuloy ang panawagan ng simbahang katolika na ipanalangin ang nalalapit na 2022 national and local elections upang maisagawa ito ng matapat, maayos, malinis, makatotohanan, makatarungan at pumapanig sa bayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 79,754 total reads

 79,754 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 120,314 total reads

 120,314 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 143,352 total reads

 143,352 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 191,620 total reads

 191,620 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 210,605 total reads

 210,605 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top