Kapistahan ng mga Santo, magpapalago sa pananampalataya at buhay espiritwal-CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 679 total reads

Hinikayat ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Health Ministry ang mananampalataya na gunitain ang mga kapistahan ngayong Mayo na magpapalago sa pananampalataya at buhay-espiritwal.

Ayon kay Father Dan Cancino, M.I., executive secretary ng komisyon, kaakibat nito ang ibayong pag-iingat lalo na sa mga pagtitipon upang maiwasan ang posibleng hawaan ng coronavirus disease.

“Uulitin ko, sana isaisip natin na ang kapistahang ito ay magpalalim ng ating buhay pananampalataya. Nagpapalalim pero nasa isip at puso natin na nandoon pa rin ‘yung ating pagsunod sa minimum health protocols against COVID-19,” pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi rin ni Fr. Cancino na talagang nakatulong nitong mga nagdaang taon ng pandemya ang mahigpit na pagsunod sa mga panuntunan ng pamahalaan upang maiwasan ang hawaan ng virus.

Iginiit ng pari na ang minimum public health standards ay dapat nang maging bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay ng publiko upang matiyak ang patuloy na kaligtasan laban sa sakit.

“Tayo dapat ay laging maging vigilant para sa kalusugan. Hindi lang ng kalusugan mo, pero kalusugan din ng kapwa natin. This is our moral responsibility to also maintain and sustain the health of our brothers and sisters,” ayon sa pari.

Maituturing ang buwan ng Mayo bilang buwan kung saan ipinagdiriwang ang iba’t ibang kapistahan sa buong bansa.

Ito rin ang buwan na inilaan ng Simbahan sa pagpaparangal sa Mahal na Birheng Maria.

Sa nakalipas na dalawang taon, pansamantalang ipinagpaliban sa bansa ang pampublikong pagdiriwang ng mga kapistahan bilang pag-iingat laban sa pag-iral ng COVID-19 pandemic.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 26,386 total reads

 26,386 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 110,574 total reads

 110,574 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 204,905 total reads

 204,905 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 266,591 total reads

 266,591 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 311,052 total reads

 311,052 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 210,314 total reads

 210,314 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top