Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kasinungalingan, laganap sa Pilipinas sa panahon ng halalan – Obispo

SHARE THE TRUTH

 657 total views

Malaki ang problema ng bayan kaugnay usapin ng katotohanan.

Ito ang ibinahagi ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines kaugnay sa paggunita ng Dakilang Kapistahan ng Kristong Hari at Panginoon ng Katotohanan sa gitna ng panahon ng halalan sa bansa.

Ayon kay Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP – Episcopal Commission on the Laity, maraming mamamayan ang madaling malinlang ng maling impormasyon at kasinungalingan dahil sa kawalan ng pagsusuri.

“Malaking issue sa atin ngayon ang katotohanan. Maraming mga tao ang hindi naghahanap ng katotohanan. They do not seek, so they do not find. Hindi sila nag-iimbistiga at hindi nga nag-aanalisa,” pagninilay ni Bishop Pabillo sa Dakilang Kapistahan ng Kristong Hari.

Ipinaliwanag ng Obispo na hindi lahat ng makikita, mababasa at mapapanuod sa iba’t ibang social media platforms ay tama at totoo.

Iginiit ni Bishop Pabillo na mahalaga ang katotohanan bilang pangunahing batayan sa paggawa ng desisyon lalo na sa nakatakdang halalan sa bansa.

Iminungkahi ng Obispo na makatutulong din ang pakikipagtalakayan upang sama-samang mapalawak ang pag-unawa ng bawat isa sa mga nangyayari sa lipunan at sa mga kandidatong naghahangad na maluklok sa iba’t ibang posisyon sa pamahalaan.

Inihayag ng Obispo na pantay-pantay at iisa lamang ang boto ng bawat mamamayan tuwing halalan na nararapat pahalagahan.

Naunang nanawagan si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa mga botante na magkaroon ng circles of discernment para sa 2022 polls.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Apela sa bagong housing czar

 21,245 total views

 21,245 total views Mga Kapanalig, kasama si dating Secretary Jerry Acuzar ng Department of Human Settlements and Urban Development (o DHSUD) sa mga nagpasa ng courtesy

Read More »

Panagutin naman natin sila

 34,681 total views

 34,681 total views Mga Kapanalig, may mga kababayan tayong ang tingin sa impeachment trial para dinggin ang mga reklamo laban kay Vice President Sara Duterte ay

Read More »

CLIMATE CRISIS

 51,274 total views

 51,274 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 61,487 total views

 61,487 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top