Katipunan Formation Program for Good Citizenship, inilunsad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 614 total reads

Opisyal na inilunsad sa Arkidiyosesis ng Maynila ang ‘KATIPUNAN Formation Program for Good Citizenship’ na una ng inendorso ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines kasabay ng naging pagdiriwang ng ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Personal na nakibahagi ang Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa naganap na lauching sa San Felipe Neri Catholic School sa Mandaluyong City, kung saan binigyang diin ng Arsobispo na ang naturang hakbang ay bahagi ng patuloy na misyon ng Simbahan na hubugin ang panlipunang konsensya ng mga mananampalataya para sa Diyos at bayan.

Sa kanyang ibinahaging mensahe, nilinaw ni Cardinal Advincula na nananatiling buhay ang diwa ng EDSA People Power Revolution noong 1986 na naging halimbawa ng mapayapa at hindi marahas na pagbabago sa lipunan.

Iginiit naman ng Cardinal na nangangailangan ng ebanghelisasyon ang kasalukuyang kaayusang panlipunan at pampulitika sa bansa.

“The spirit of EDSA People Power Peaceful Revolution 1986 is still alive and well. It is a story written by God. Peace is God’s gift. Peace is tranquility of order. Maayos na buhay and then sa 1986, was people empowerment through peaceful and non-violent change. Our socio-political order needs to be evangelized. This is a standing order of the Church in the Philippines.” Bahagi ng pahayag ni Cardinal Advincula.

Binalikan din ng Arsobispo ang mahalagang papel ng Simbahan sa pagsusulong ng panlipunang pagbabago, kung saan inihayag nito ang malaking bilang ng mga liham pastoral ng CBCP, gayundin ang mga katuruan ng Second Plenary Council of the Philippines (PCP II) noong 1991 na kumilala sa katotohanan ng EDSA bilang mahalagang tanda ng adhikain para sa social change o ganap na pagbabago sa lipunan.

“It is noted that two-thirds of the pastoral letters and statements written and read in the name of the Bishop’s Conference ng CBCP are still about the Church’s concern for social change. The Second Plenary Council of the Philippines in 1991 recognizes the truth of EDSA as a strong concern for social change, and I call PCP II.” Dagdga pa ni Cardinal Advincula.

Pagbabahagi ni Cardinal Advincula, sa mga nakaraang taon ay lalong naging malinaw na hindi sapat ang pagbabago sa mga istruktura ng lipunan kung walang pagbabago sa mga pagpapahalagang kultural ng bawat mamamayan.

Giit ng Cardinal, mahalaga ang sama-samang pananalangin, pakikinig, pagninilay, pagkilos, at pagbabago na dapat ay magsimula sa sarili ng bawat isa.

“Let us pray together, listen to each other, discern together, decide together, and move together, so that truth may prevail. This is synodality… Walang iwanan, walang maiiwan, sama-sama tayo sa paglalakbay para sa Diyos at para sa bayan,” Ayon pa kay Cardinal Advincula.

Ipinaliwanag din ng Cardinal na ang Simbahan ay may malalim na tradisyon ng Catholic Social Teachings na nagsimula pa kay Pope Leo XIII sa encyclical na Rerum Novarum noong 1891, at nagpatuloy hanggang sa pinakahuling encyclical ni Pope Leo XIV na Dilexi Te noong 2025 na pawang mga prinsipyo na magsisilbing gabay sa paghubog ng mabuti at aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa lipunan.
Samantala, nagpasalamat din si Cardinal Advincula sa mga grupong nakibahagi sa paglulunsad, kabilang ang mga paaralan ng CEAP-NCR, MAPSA, mga katekista, Commission on Evangelization, Ministry on Sociopolitical Advocacy and One Godly Vote ng Radyo Veritas, at sa San Felipe Neri Parish School na naging punong-abala sa programa.

Ang KATIPUNAN Formation Program ay orihinal na programa ng Archdiocese of Lingayen-Dagupan, sa pamumuno ni Archbishop Socrates Villegas, at inendorso ng CBCP sa pamamagitan ng liham sirkular ni CBCP President, Lipa Archbishop Gilbert Garcera upang maipatupad sa iba’t ibang diyosesis sa buong bansa.

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 11,649 total reads

 11,649 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 195,237 total reads

 195,237 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 226,969 total reads

 226,969 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 328,792 total reads

 328,792 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 369,349 total reads

 369,349 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 382,019 total reads

 382,019 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top