Katiyakan sa Pagkain sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 660 total reads

Isang napakagandang balita ang proyekto ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Asian Development Bank, at World Bank na Food Stamp Program para sa mga pinakamahirap nating mga kababayan. Timing na timing ito, lalo pa’t maraming Pilipino ngayon ay said ang bulsa at ni walang makain. Tinatayang mga 2.7 milyong Pilipino ang nakaranas ng gutom nitong unang quarter ng 2023.

Kapanalig, ang mga ganitong programa ay kumikilala hindi lamang ng kakulangan sa pagkain ng mga mamamayan, kundi ng karapatan nila na magkaroon ng sapat at masustansyang pagkain. Sa pamamagitan ng food stamp program gaya nito, hindi pera ang assistance o tulong sa tao. Pagkain, na pundasyon ng kalusugan ng lahat, ang tulong na binibigay. Sa inisyatibong ito, ang mga lehitimong benipisaryo ay bibigyan ng mga electronic cards na naglalaman ng alokasyon sa pagkain. May nakalaan dito para sa nutrition needs ng pamilya, gaya ng gulay, karne, bigas at iba pa. Sa pamamagitan ng alokasyon na ito, hindi lamang lamang-tiyan ang makukuha ng tao, sapat na nutrisyon ang kanilang makakamit dahil specified kung anong kategorya ng pagkain na base sa health needs ng pamilya, ang nakalaan para sa kanila.

Ang food stamp program na ito ay para sa mga pamilyang nasa laylayan ng lipunan. Binibigyan nito ang mga maralita ng kakayahan na mamili at makakuha ng mga kinakailangang pagkain na masustansya para sa kanilang mga pamilya. Hindi lamang ito relief o dole out, ito rin ay pambwelo. Kapag ang pamilya ay nabigyan ng pagkakataon na mabigyan ng kakayahang makuha ang kanyang basic needs, makakabwelo na siya upang makagalaw at makakuha ng iba pa Nyang kailangan upang maabot ang kanyang potensyal. Nababawasan din nito ang stigma ng pagtanggap ng pagtulong, dahil ang food voucher ay nagbibigay ng pagkakataon sa benepisaryo na mamili at makapagpasya para sa kanyang sarili at pamilya.

Nagsisimula pa lang ang programa, pero sana ay magtuloy tuloy at mas lumawig pa. Nasa pilot phase pa lamang ito, at sa yugtong ito, marami pang hamon o testing na kailangan nitong malampasan. Una siguro dito, kapanalig, ay ang pagsisiguro na ang mga benepisaryo nito ay tunay na maralita. Kinakailangan din na maayos ang monitoring at evaluation nito para matiyak na talagang ang mga benepisaryo ang tunay na nakikinabang dito, at may positibong epekto sa kanilang buhay.

Sana nga kapanalig, mas marami pang mga proyekto ang malunsad mula sa gobyerno man o pribadong sektor, na tunay na tutulong sa maralita. Sabi nga sa Populorum Progressio: The advancement of the poor constitutes a great opportunity for the moral, cultural and even economic growth of all humanity. Kapag ang maralita ay ating natulungan, tayong lahat ay maisasalba. Hindi lamang ito hakbang tungo sa pagsugpo ng kahirapan, nagpapalawak din ito ng panlipunang katarungan at dignidad sa lipunan.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 86,234 total reads

 86,234 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 163,862 total reads

 163,862 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 197,310 total reads

 197,310 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 232,608 total reads

 232,608 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 455,748 total reads

 455,748 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 86,235 total reads

 86,235 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 163,863 total reads

 163,863 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 197,311 total reads

 197,311 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 232,609 total reads

 232,609 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top