Kawalan ng housing program ng kasalukuyang administrasyon, ikinalulungkot ni Bishop David

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 582 total views

Nababahala si Diocese of Kalookan Bishop Pablo Virgilio David sa kawalan ng maayos na programa para sa pabahay ng mga mahihirap na mamamayan partikular na sa mga patuloy na naninirahan sa mga daluyan ng tubig o waterways.

Sa pag-iikot ni Bishop David sa isang komunidad sa Navotas City kung saan namahagi ito ng mga gift certificates katuwang ang Caritas Manila, Caritas Kalookan at Accenture Philippines, sinabi nito na siya ay nalulungkot sa patuloy na suliranin ng mga mahihirap na nakatira sa nasabing lugar.

Naniniwala si Bishop David na dapat maging prayoridad ng pamahalaan ang programa para sa pabahay lalo na’t ang mga nakatira sa ganitong uri ng mga kabahayan ay hindi nakakatanggap ng sapat na benepisyo na bahagi ng kanilang karapatan bilang mamamayan.

Ikina-alarma din ng Obispo nang mapag-alamang nagbabayad ng hanggang sa isang libo at limang daang piso na buwanang renta ang ilan sa mga pamilyang nakatira sa mga barong-barong o Stilt houses.

Umaasa din ang upcoming CBCP President na matutulungan ang mga nasa nasabing komunidad na magkaroon ng mga sapat na dokumento gaya ng mga birth certificates sapagkat isa aniya ito sa mga nagiging hadlang upang makatanggap sila ng sapat na mga tulong o programa para sa kanilang mga pangangailangan.

“Nakakalungkot na hanggang ngayon hindi pa mabigyan ng prayoridad yun mga nasa waterways ang tagal na, na bahagi dapat ng housing priorities ng pamahalaan na ma-prioritize ang mga nasa waterways and nakakalungkot din na most of this people ay nagre-rent din at mas mahal pa ang rent nila sa tubigan kaysa sa mga pabahay but as usual the ‘pabahay’ are not enough at parang madami din kasi requirements and one of it of course ay mga dokumento. Many of this people ay undocumented, nakakalungkot na parang kahit certificate of live birth wala sila at kapag wala sila nun parang your like not an entity parang hindi ka Citizen ng bansa na ito and you cannot avail yourself of public services” Pahayag ni Bishop David sa panayam ng Radyo Veritas.

Sa kabila nito ipinagpapasalamat ni Bishop David na may mga pribadong grupo na nakikipagtulungan sa Simbahang Katolika upang makapagbigay ng ayuda sa mga mahihirap.

Nagpapasalamat ang Obispo ng Diyosesis ng Kalookan sa tulong na ibinabahagi ng iba’t-ibang institusyon para makapagbahagi ng ayuda sa mga dukha.

“Alam mo every centavo counts believe it or not every centavo counts, kaya natutuwa ako na may partners tayo sa Caritas like yung Accenture. Sa taong may kaya gasino lang yung P1,000 pero sa kanila malaking bagay na yun” dagdag pa ng Obispo na kilala din sa tawag na Bishop Ambo.

Batay sa datos, nasa 4.5 Milyong Pilipino ang naninirahan sa mga informal settlement kung saan nasa 3 milyon dito ay nasa Metro Manila.

Patuloy na sinisikap ng Simbahang Katolika na makapagbigay ng mga programa tulad ng scholarship, livelihood at maging pabahay upang maibsan ang nasabing suliranin sa bansa

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 84,330 total views

 84,330 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 114,553 total views

 114,553 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 141,202 total views

 141,202 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 236,175 total views

 236,175 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 251,647 total views

 251,647 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 89,526 total views

 89,526 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top