Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kawalang pagpapahalaga sa public service, pinuna ng Obispo

SHARE THE TRUTH

 266 total views

Naniniwala si Cubao Bishop Honesto Ongtioco na napapanahon ang pagpapalakas ng pagtutulungan at mas maigting na pagkalinga sa kapwa dahil na rin sa iba’t-ibang suliranin na kinakaharap ngayon ng bansa.

Kasabay ng isinagawang Caritas Suffragan meeting sa Diocese ng Cubao, sinabi ni Bishop Ongtioco na maraming tao ang nakakalimutan nang pahalagahan ang kanilang dignidad at mas iniisip na lamang ang kanilang mga sarili sa halip na makapaglingkod sa kapwa.

“Nalalabuan ang tao sa kanyang paglalakbay, halimbawa yung public service naging self service na lang, yung common good it becomes our good my family, kami-kami na lang even the word rest and recreation ano naisip natin? going to the beach, shopping and things that makes you happy wala naman masama pero the word rest and recreate ibig sabihin baguhin, panibagong lakas, panibagong pananaw [on how] to recreate the tainted image that we destroy.”pahayag ni Bishop Ongtioco.

Iginiit din ni Bishop Ongtioco na dapat alalahanin ng mga Kristiyano ang parabula ng Mabuting Samaritano kung saan naipamalas ang pag-aalala sa kapwa sa kabila ng mga hindi pagkakaunawaan at alitan.

Hinikayat ng Obispo ang mga naglilingkod sa Social Arm ng Simbahan Katolika gaya ng Caritas na ipagpatuloy ang kanilang misyon at ipalaganap ang pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng mga programa at inisyatibo para sa mga nangangailangan.

“Yun ang ginagawa natin, tayo ay humihinto nagmamalasakit hindi para sa ating pansariling kapakanan but because of the mission to spread, to immitate and to make love of God visible and concrete sa ngayon marami talagang pangangailangan.” “Yun pagmamahal, pagmamalasakit it’s a product of sacrifice yun po ang Caritas we go to the peripheries sabi nga ni Pope Francis.” Dagdag pa ni Bishop Ongtioco.

Kaugnay nito inihayag ni Caritas Manila Executive Director at Radio Veritas President Fr. Anton Pascual na magkakaroon pa ng second batch ng pagtulong ang kanilang tanggapan sa Marawi kung saan una na silang nagkaloob ng 500-libong pisong cash at 100-kaban ng bigas.

Read: http://www.veritas846.ph/obispo-ng-marawi-labis-ang-pasasalamat-sa-cash-at-rice-donations-ng-caritas-manila/

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG OMBUDSMAN

 37,397 total views

 37,397 total views Isang buwan ng pinag-uusapan sa bawat sulok ng Pilipinas ang multi-bilyong pisong “Flood control projects” fiasco. Ito na ang maituturing na “mother of

Read More »

JOBLESS

 54,494 total views

 54,494 total views Nakakalungkot na reyalidad sa ating bayan, napaka-mahal ang edukasyon, butas-butas ang bulsa ng mga magulang upang maitaguyod ang pag-aaral ng mga anak, makapagtapos

Read More »

Cha-cha talaga?

 68,726 total views

 68,726 total views Mga Kapanalig, umuugong na naman ang panukalang amyendahan ang ating Saligang Batas.  Isa sa mga nagbunsod nito ay ang hindi pagkakasundo ng mga

Read More »

Mga mata ng taumbayan

 84,477 total views

 84,477 total views Mga Kapanalig, mainit na usapin pa rin ngayon ang mga maanomalyang flood control projects. Bilyun-bilyong piso kasi ang inilalaan ng ating pamahalaan para

Read More »

Bumabaha sa katiwalian

 102,976 total views

 102,976 total views Mga Kapanalig, hindi lang dismayado si Pangulong Bongbong Marcos Jr sa mga anomalyang nakapalibot sa malalaking flood control projects. Galit na raw siya.

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Crypt ni Cardinal Sin, bubuksan sa publiko

 14,783 total views

 14,783 total views Inaanyayahan ng Manila Cathedral ang lahat na makibahagi sa paggunita ng 97th birth anniversary ng ika-30 Arsobispo ng Maynila na si Manila Archbishop

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

One Godly Vote-CARE, inilunsad

 14,137 total views

 14,137 total views Inilunsad ng Radyo Veritas ang One Godly Vote – Catholic Advocates for Responsible Electorate campaign sa EDSA Shrine, Quezon City. Layunin nitong bigyan

Read More »

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 39,034 total views

 39,034 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »

LAYFIMAS, pinalakas ng Pondo ng Pinoy

 52,326 total views

 52,326 total views Tinutulungan ng Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. ang Diocese ng Naval sa pagsasagawa ng programa para sa mga magsasaka. Ito ang ibinahagi

Read More »
Scroll to Top